Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mary Cherry Chua

Mary Cherry Chua epektibo sa pananakot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY babala ang pelikulang bagong handog ng Viva Films, ‘wag babanggitin ang pangalan niya kung ayaw mong sundan o dalawin ka niya. Kaya hindi namin alam kung paano isusulat ang titulo ng horror movie na talagang epektibong nakapanakot. 

Sa totoo lang takot kaming sundan at magpakita si Mary Cherry Chua, ang horror film na idinirehe ni Roni Benaid na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Ashley Diaz, Lyca Gairanod, Kokoy de Santos. 

Umpisa pa lang ng pelikula ay agad nanakot si Mary Cherry Chua, isang estudyante na namatay sa school na pinag-aaralan nito at ang itinuturing pumatay ay ang janitor na nakulong ng maraming taon.

Nagkaroon ng interes ang isang estudyante, si Ashley na alamin ang dahilan ng tunay na pagkamatay ni Mary Cherry Chua at kung ang janitor nga ba ang tunay na pumatay sa estudyante. Sa pag-iimbestiga, maraming kababalaghang nangyari na talagang ikatitili ng manonood. 

Kung ilang beses kaming napasigaw sa maraming eksena lalo kapag ipinakikita si Mary Cherry Chua na nakatatakot ang hitsura dahil sa duguang mukha nito.

Sa totoo lang bagamat nakatatakot, na-enjoy namin ang panonood at kung may ilang beses yata kaming napasigaw.

Bagamat ngayon lamang nagbida ang anak ni Joko Diaz, effective ito sa ipinakitang pag-arte, hindi trying hard. Para ngang matagal na siyang artista. Magaling din ang direktor bilang first time sa pagdidirehe. Malinis ang pagkakadirehe at magaling manakot ha. 

Kung mahilig kayo sa mga horror movie, panoorin ninyo itong Mary Cherry Chua, hindi nakababagot at interesting ang takbo ng istorya na talagang tututukan mo dahil gusto mo ring alamin kung sino nga ba ang tunay na pumatay kay MCC.

Bukod kina Ashley, Lyca, at Kokoy kasama rin sa pelikula sina Joko, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje  at marami pang iba. Palabas na ito sa mga sinehan kaya panoorin n’yo na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arci Munoz Kang Donggun Rommel Ricafort

Direk Rommel Ricafort thankful sa Sinag Maynila, Arci Munoz at Korean actor na si Kang Donggun, tampok sa Sweet Escape

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILIB si Direk Rommel Ricafort sa lead stars na sina Arci Munoz at Kang …

Robb Guinto Yasser Mata

Yasser at Robb ‘nagkaigihan‘ sa nagbabagang eksena: roon ako nahulog sa kanya

ni Allan Sancon HINDI nagpaka-plastik si Yasser Marta sa pag-amin na ibang level ang pinagdaanan niya sa …

Yul Servo

Yul at Direk Lav Diaz may reunion movie: ang tanda ko na, akala ko wala nang kukuha sa akin

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG makakuwentuhan ko sa AIFFA (Asean International Film Festival & Awards) si direk Lav Diaz, …

Queenay Mercado Rhian Ramos Glaiza De Castro

Queenay Mercado mahusay magpatawa at magdrama

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang Batanguen̈ang young star na si Queenay Mercado na kasama sa pelikulang I fell, …

Robb Guinto Yasser Mata Desperada

Mhack Morales ‘di nagpatalbog kina Yasser at Robb

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ng isa sa lead actor ng pelikulang Desperada na si Mhack Morales sa …