Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi

Ivana solid Kapamilya pa rin; Joshua, KathNiel, at Coco gustong makatrabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KOMPLETO ang mga big boss ng ABS-CBN sa bonggang contract signing ni Ivana Alawi sa ABS-CBNkahapon ng umaga. At kahit napakaaga, talagang pinaghandaan  ng Kapamilya ang muling pagpirma ng award-winning actress at content creator. Dumalo sa pirmahan sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory VidanesStar Magic head Lauren Dyogi, at Star Magic handler Alan Real. Sinamahan si Ivana ng kanyang talent manager na si Perry Lansingan.

Ani Ms Cory sa social media superstar, ‘Maraming, maraming salamat, Ivana, sa patuloy mong pagbigay ng tiwala at pagpapahalaga sa ABS-CBN, sa aming lahat, at sa ating mga Kapamilya.

“I assure you that we will continue to take care of you and we will build an even stronger relationship as I promised you.

“Maraming salamat sa sensiridad, sa pagmamahal, at sa pagpili mong manatili kasama namin sa pagbibigay saya, inspirasyon, pag-asa, at serbisyo sa lahat ng Filipino sa buong mundo.”  

Sinabi naman ng sikat na vlogger na napaka-blessed at grateful siya sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ABS-CBN. Tatlong taon ang kontratong pinirmahan ng aktres.

“I am here where I’m supposed to be. I have three things that I’m very very thankful for. Of course, unang-una sa mga bosses po natin dito sa ABS-CBN, maraming, maraming salamat sa tiwala, sa suporta at sa pagmamahal niyo sa akin. Of course to my manager, kuya Perry, Star Magic, Sir Lauren, maraming salamat.

“And gusto ko rin po magpasalamat sa lahat ng nagtiwala sa akin since day one. And of course to my family and kay Lord na never akong pinabayaan, maraming, maraming salamat po,” sabi ni Ivana.

Taong 2020 unang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si Ivana at unang napansin ang galing siya sa Kapamilya series na Sino Ang Maysala? Mea Culpa (2019). At least year, nagbida siya sa kanyang launching series na A Family Affair kasama sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake, at Jake Ejercito.

Nang matanong ukol sa mga project na aabangan sa dalaga, sinabi nitong, “We’re doing teleseryes this year and mayroon ding movies. So ‘yun, maraming exciting na projects na parating.

“I really want to try action! Yeah, so nagdyi-gym na ‘ko. I want to do action and horror.”

 Gusto naman niyang makasama sa next projects sina, “Si Sir Coco Martin, I would really love to work with KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), and si Joshua Garcia.

“Kasi they’re very mahusay. Napakahusay nilang aktor, and I would like to experience working with very talented actors.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …