Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jobert Sucaldito Chaps Manansala

Jobert at Chaps may pa-OOTD sa Youtube

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING matutunghayan ang tapang at balasik ni Jobert Sucaldito kasama si direk Chaps Manansala ng Hiraya Theater Production sa kanilang Youtube channel na OOTD, (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon)

Ilang linggo nang napapanood sina Jobert at Chaps at so far maganda ang feedback mula sa mga netizen na tumututok sa kanila. Pero siyempre hindi maiiwasang may mga ayaw din sa kanila. 

Maganda naman ang feedback in fairness. Kasi ang mga nagko-comment most of them ha, may mga tao rin namang ayaw din sa akin, pero wala akong pakialam sa kanila, basta ako I want to deliver lahat ng tsismis o kung ano ang totoo. Kilala n’yo naman ako kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga. At very, very happy ako with the partnership with direk Chaps because napakatalino niya at marunong siyang magbalanse sa akin. Parang naalala ko dati parang kami ni Papa Ahwel Paz, pinababayaan niya ako, tapos binabalanse lang nila ako.

At hindi kami nag-aaway sa mga opinyon namin. Kanya-kanya kami. Ganoon naman talaga dapat,” sambit ni Jobert nang makausap namin ito sa launching ng kanilang Youtube channel na ginawa sa Musix Box sa Timog.

Bago naman kami nag-umpisa sinabi ko kay Nanay na, ‘maaaring may mga opinyon ka na hindi pasok sa akin pero let me stop about it para mabalanse lang.’ May mga bagay na maaaring pareho kami ng opinyon pero gusto kong marinig ng iba ‘yung kung ano ‘yung nariring sa iba. Mahilig kasi akong makipagkuwentuhan. Bilang writer po, mahilig akong makipagkuwentuhan sa tao. At kapag ang tao narinig niya iyong sinabi niya, parang nakare-relate agad sila at nagugustuhan ka na nila. Maniniwala na siya sa iyo,” sabi naman ni direk Chaps.

At walang rehearsal ang batuhan ng opinyon nina Jobert at Chaps, kumbaga eh, spontaneous kaya masarap makinig sa kanila dahil wala silang takot na ilalahad ang mga totoong nangyayari sa showbiz, politics, at sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating mga buhay-buhay.

Pinuri naman ni direk Chaps si Jobert sa larangan ng pagho-host. “Batikan na po si Nanay Jobert sa larangan ng hosting at hindi siya madamot, binibigyan niya ako ng chance para marinig at makinig kaya ang ganda ng balitaktakan namin at sharing of thoughts.”

“I’m just so blessed kasi my partner kasi is very matalino. Ang hirap kasing makipag-co-host kung bobo ang kabalitaktakan mo. Mahirap. Hindi mo alam kung saan pupunta. Kahit naman kasi matagal na ako sa larangan ng hosting o pagraradyo there are so many things I want to learn pa rin. And I’m learning a lot from him. Pinakikinggan ko siya dahil ang gaganda ng idea niya,” susog pa ni Jobert.

Advantage nina Jobert at direk Chaps na magkaiba sila ng mundong ginagalawan kaya malawak ang magiging talakayan nila.

Samantala, abangan ang pakikipaghuntahan nila sa isang magaling, kilala, at iginagalang na artista na nagpaplanong iwan na ang mundo ng showbiz gayundin ang latest happenings sa politika. Makakahuntahan din nila sina Boy Abunda, Bianca Lapus

Kaya tutok na sa OOTD nina Jobert at Chaps Channel sa Youtube na twice a week ang pag-upload ng maiinit na balita. Don’t forget to subscribe.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …