Sunday , December 22 2024
Its Showtime TVJ Eat Bulaga

Kahit sanib-puwersa ang ABS-CBN at GMA
TV5 NANGUNA DAHIL SA TVJ AT LEGIT DABARKADS

NOONG maglabo-labo ang mga noontime show noong Sabado, ilan ang nanood? Kung pagbabatayan natin ang records sa social media, may 226,500 views ang TVJ sa FB. Sinasabing kung isasama ang nanood sa kanila sa Youtube, umabot sila sa kalahating milyon na siyang bagong record sa noontime. Ang It’s Showtime naman ay may 72,500 views sa FB. Iyong Eat Bulaga na gumamit ng FB ni Paolo Contis, mayroong 1,708 views. Ang Eat Bulaga ng mga Jalosjos ang pinakamahina at sa tingin

pa lang malapit nang ma-tegi.

Sa isinagawang spot survey ng isang kinikilalang survey firm, ganyan din ang sinasabi, number one ang TVJ, number 2 ang Showtime, at wala silang report kung ilan ang naawang manood kina Betong at Buboy Villar sa Eat Bulaga.

Palagay namin hindi makatutulong kahit na sabihin pa nilang nakuha nila si Billy Crawford. Baka nga mas mabatak pa nilang pababa ang popularidad ni Billy.

Lalabas lang ang tunay na laban kung mate-tegi na nga ang show ng mga Jalosjos at ang Showtime ay ililipat sa Channel 7 na 150 kw tapos maging operational na ang lahat ng relay ng TV5 at masasabing mapapanood na nang maliwanag sa freetv ang TVJ. Iyan ang labanan, pero sa ngayon hanggang mayroon pang “patoto” na siya pang

nakalagay sa malakas na channel walang kuwenta ang laban. Tatambakan ang ratings ng TVJ ang Showtime, dahil nasa isang mahinang estasyon iyon na 40kw lang ang power. Iyon namang Eat Bulaga, ilagay mo man iyan sa international Sattelite, wala pa rin sigurong mangyayari. Lost case na iyan eh. 

Sa eleksiyon para mas maintindihan ng mga politiko gaya ng mga Jalosjos, para iyang isang kagawad sa barangay na pinatatakbo mong presidente ng Pilipinas. Sa history, isa lang ang gumawa niyan, si Martin Dino na tatay ni Liza Dino, barangay chairman

tumakbong presidente ng Pilipinas pero talagang uurong din pala dahil nag-file lang siya para mapalitan ni Presidente Digong pagdating ng eleksiyon.

Halos ganyan ang estado ngayon nina Betong, Buboy, Paolo, at Yorme Isko. Palagay namin, mas mabilis na uurong ang mga Jalosjos, o mas mabilis na aalisin sila ng GMA mas advantage. Isipin ninyo, dati ABS-CBN ang kalaban ng GMA, ngayon for the first time pinataob sila ng TV5? Iyong isang show na ABS-CBN ang gumagawa, pinataob ng TV5.

History ang nakita nating iyan. Iyong TV5 dati happy na kung number two, ngayon number one pa at mabigat pa ang kalaban.

Mas marami pang nanonood ng video ng pagwawala ni Awra kaysa Eat Bulaga.

Ang TVJ sila-sila lang pero nakuha nila ang mga tao. Iba talaga iyong nakasanayan nang pinanonood.

Kung iyon ang pagbabatayan natin, walang nagbago sa noontime trend. TVJ ang number one, number 2 si Vice at mayroon pa rin namang naaawang manood kina Betong, Buboy, at Paolo. Kahit naman maraming fast foods eh, may naghahanap pa rin ng walastik at mami sa kariton kung merienda. May kumakain pa rin ng matsakaw. Kaya sabihin mo mang iilan, may magtyatyaga pa ring manood diyan sa Eat Bulaga. 

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …