HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKABUDOL iyong dzMM, ngayon sila ay DWPM na dahil ang majority daw ng stocks ay nabili na ng Prime Holdings ni Speaker Martin Romualdez. Pero ng management, personnel, at programming ay patatakbuhin pa rin ng mga Lopez. Nakuha rin nila ang dati nilang freqency na 630 KHZ. Parang budol lang.
Ano nga kaya ang masasabi ngayon ng mga kongresista na bumoto laban sa pagbibigay sa kanila ng bagong prangkisa dahil sa mga kadahilanang hindi nila masagot? Ngayon maliwanag na rin na hindi na kailangan ng congressional franchise
dahil nakakapagpalusot din pala. Hindi kami magtataka kung ang kasunod na mangyayari, sasabihin din nila na naibenta na nila ang ABS-CBN sa mga Villar at iyong Channel 2 ay tatawagin nilang All Kapamilya Channel na. Lalabas na majority ang mga Villar pero ang management at personnel, at ang buong operations ay sa ilalim pa rin ng mga Lopez.
Ganyan din ang deal nila noon sa network ni Tony Carandang hindi ba. Kunwari nagba-block time lang sila iyong ASMCARA pero ang totoo nasa kanila ang full control ng estasyon. Mukhang dummy lang si Carandang na dati naman nilang tauhan.
Eh iyang mga Villar negosyante iyan. Baka bumigay na rin iyan kaysa nakatengga ang pera nila sa isang tv station na hindi naman nila alam i-operate.