HARD TALK
ni Pilar Mateo
ANIMALS are not props.
‘Yun agad ang kapansin-pansin sa suot na t-shirt ng PAWS Ambassador na si Carla Abellana sa ipinag-anyayang pulong ng Philippine Animal Welfare Society sa Gerry’s Grill sa AliMall kamakailan.
May kinalaman dito ang paglagda sa Administrative Circular No. 05 protecting animals from being hurt or kill in the making of films, television shows and commercials.
Tinalakay nga ng Executive Director nito na si Anna Cabrera ang penalties o.parusang kakaharapin ngayon ng mga lalabag sa kautusan sa maituturing na karapatan ng mga hayop na sa matagal na panahon ay naabuso na. Katulong ang oba pang mga sangay ng pamahalaan, lubusang isinusulong ito ng PAWS sa ngayon.
Lima ang fur babies ni Carla.
Na noong panahon ng pandemya eh, siya nitong nakasama 24/7. At kung may lock-in tapings naman siya eh, nagpapalitan sila ng pakiramdam sa pagkakataon ng sepanx (separation anxieties).
Malayang-malaya na ang puso ng aktres na muling makikita sa isang teleseryeng tatalakay sa astral projection kasama si Beauty Gonzales sa GMA-7.
Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Carla noong June 12. Na talagang sumimbolo na sa isang malayang buhay. At natupad nga ang birthday wish niya na maging masaya.
Gawa na ang bagong bahay niya. At mga simpleng gawain na lang ang kinakailangan na matapos ang Hunyo eh, lilipatan na niya.
Sa bahay niya sa Tagaytay sila nag-celebrate ng kanyang pamilya na nag-sleep over ang kanyang mga pamangkin.
Bago kami naghiwalay ni Carla sa nasabing pulong I asked her a crazy question na sabi ko eh, pwede niyang bigyan ng crazy na sagot.
Na sa dinaanan niya, alin ngayon ang mas matimbang na sa kanya—ang magmahal ng hayop gaya ng aso o tao.
“Pipiliin ko na ang aso kaysa tao. They do not judge, do not hurt, hindi nagagalit kahit magalit ka sa kanila. Jokingly, yes. But yes, mas masarap na sila mahalin.”
Ikinandado na rin muna ni Carla ang puso niya. Pinto, bintana, lahat naka-lock na muna.
“Ayoko na po magpakasal. Kung may darating, bahala na. Hintayin natin. Pero sa ngayon, mas focused na muna ako sa mga dumarating. Biglang pivot din ang June for me. Kaya maraming kailangan harapin. Hinahanap ko? Wala naman. Basta honest, totoo, maalaga…”
With this inaanyayahan ni Carla ang lahat na makiisa sa Artists Against Animal Cruelty (AAAC).
Kaya kung may makita o mapanood na eksena ng mga hayop sa pelikula, teleserye o commercial, na sinasaktan, pinapatay at iba pang klase ng pananakot, ihatid ang ulat sa PAWS (sa kanilang mga website) para sa karampatang parusa.