Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya walang dating sa tomboy; minsang naligawan ng bading

RATED R
ni Rommel Gonzales

NEVER pang naligawan ng tomboy si Rabiya Mateo.

Parang hindi ako maano sa ano (tomboy) hindi ako mabenta,” ang pagbibirong hinaing ni Rabiya tungkol dito.

Masama ba ang loob niya na hindi siya ligawin ng mga tomboy?

Hindi naman!

“Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.

Pero maraming nanligaw sa akin na… ito ‘yung nakakatawa, bakla. Na medyo nako-confuse sila, so may mga tatlo siguro,” ang tumatawang kuwento ni Rabiya.

So ginamit siya ng mga ito para mapatunayan kung bakla sila o hindi?

Pero hindi naman ako nagpagamit.”


Alam naman daw niya na bading ang mga ito.

Lantad na bading na ang mga ito noong manligaw sa kanya?

Hindi pa naman pero amoy ko ‘yun, eh. Pero hindi ko naman sila dyina-judge parang sinasabi ko, ‘Sis, parang same-same tayo!’

“Pero siyempre I was honest naman na, if I’m not interested kasi umpisa pa lang sasabihin ko na, I’m not interested.

“Kasi kesa naman magsayang tayo ng oras, ‘di ba?”

Napapanood si Rabiya bilang si Tasha sa Royal Blood weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11:00 p.m. tuwing Biyernes sa GTV

Hinintay pala ni Rabiya ang proyektong ito kaya ngayon lamang siya nagkaroon ng teleserye.

Last year pa siya sinabi sa akin around September pero siyempre  marami pa pong conflict sa schedule, ‘yung kuwento kailangan  pang buuin, kailangan maayos ‘yung cast, so iyon po ‘yung hinintay ko.

“At thankful naman ako na hindi ako nagmadali.

“Kasi ‘yung first teleserye ko bigatin ‘yung mga kasama ko so, choosy pa ba ako? May ‘TiktoClock’ naman po ako.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …