SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
DREAM come true para kay Kaladkaren o Jervi Li ang maging parte ng Star Magic kaya naman kahapon, Lunes, sobra ang katuwaan niya nang sa wakas ay pumirma na siya ng kontrata sa nasabing ahensiya.
Ani Kaladkaren sa isinagawang solo presscon sa 14th flr ng ABS-CBN, “Dream come true ito kasi bata pa lang ako may mga Star Circle batch ganito,Star Circle batch ganyan. Kaya noong bata ako iniisip ko kung posible kayang para sa isang taong katulad ko na maging parte ng isang ganito kalaking ahensiya ng mga atista.
“And ang Star Magic kasi has produced the A lister of the industry since time in memorial. Parang lahat ng mga sikat, pinag-uusapan. Ang mga napaka-talented na tao ay naggaling sa Star Magic,” masayang pagbabahagi pa ni Kaladkaren.
“And it’s such an honor and privilege for me to be a part of this family,” giit pa ng Summer MMFF Best Supporting Actress.
At pagkaraang manalo bilang best supporting actress sa nakaraang 1st Summer MMFF, masasabing sunod-sunod na ang achievements niya. Kaya natanong si Kaladkaren kung ramdam niyang she finally arrived?
“I have arrived, in the doorstep I believe na nasa simula pa lang,” sagot nito. “This is only just the beginning.
“Lagi ko sinasabi sa mga interview ko na the possibilities are endless, marami pa tayong pwedeng gawin, marami pa tayong mas maraming pintuang pwedeng buksan kasama ang mga LGBTQIA + community.
“And ito pong oportunidad na ito ay iniaaalay ko rin sa mga taong katulad ko kasi gusto ko hindi lang siya akin nangyayari. Gusto ko marami pang taong mabigyan ng ganitong klaseng opportunity para naman may makabuluhan ang pag-aartista mo,” sabi pa ng aktres.
Sa totoo lang bongga ang contract signing ni Kaladkaren dahil may pa-red carpet at solo pa nito. Na sabi nga ni Direk Lauren Dyogi, eh dapat lang sa katulad ni Kaladkaren ang importansiya at pagpapahalaga nila dahil nagwagi nga iyon ng best supporting actress na.
Sabi naman ni Kaladkaren, “Iba talaga ang Star Magic parang feeling mo talaga artista ka. ‘Yung pag-welcome nila, the way they threat you, the way they give projects to you. The way they brief you with your upcoming projects or kung ano mang mayroon ka. Tinatrato ka talaga nila bilang star. Kaya nga siya Star Magic. And alam ko with the expertise of Star Magic mas marami pang maibibigay na pagkakataon. The opportunities are endless, and the possibilities are endless for me. And all the Star Magic artists, I believe.”
At ngayong Star Magic artist na si Kaladkaren may gagawin siyang series, bagong reality show at magiging parte rin ng isang upcoming movie.
Wish naman niyang makatrabaho sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at Jake Cuenca.
“Si Enchong Dee nakasama ko na, napakasarap katrabaho. Siguro ‘yung kaedaran ko naman siyempre hindi na ako para mag-Seth Fedelin pa ha ha, ate na nila ako.
“Hindi ko kaya ang mas bata sa akin, awkward. Kasi may kapatid akong 21 years old.
“And pwede rin si Joshua Garcia. Nakita ko ang ginawa niya kay Jodi Sta Maria parang gusto ko.”
Ang tinutukoy ni Kaladkaren ay ang higop scene nina Joshua Garcia at Jodi Sta Maria sa series na Unbreak My Heart.
“Parang kaya kong lumaban sa higupan. Masaya naman at saka aktor talaga naman kasi si Joshua. Feeling ko kapag makaka-partner ko siya matsa-challenge rin ako bilang aktres. Laban kung laban,” nakangiting sambit pa ni Kaladkaren.
Sumikat si Kaladkaren sapagpapanggap bilang si Karen Davila, ang tanyag na anchor ng TV Patrol at ANC Headstart.
Ngayon, unti-unti na siyang gumagawa ng sariling pangalan bilang aktor matapos siyang hirangin na unang transwoman na nanalo sa MMFF.
“I don’t want to be boxed as your impersonator only – of course I’m very grateful sa ‘yo na ako ang impersonator mo – but I would like people to know that I can do more than that. I want people to realize that I can do something else,” sabi ni Jervi sa panayam kay Karen sa Headstart ng ANC.
Sa kasalukuyan, bahagi si Jervi ng Drag You & Me ng iWantTFC at ng bagong serye ng ABS-CBN at Prime Video na Fit Check.
Bukod sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actress, si Jervi rin ang unang transwoman news anchor sa bansa.