Sunday , November 17 2024
GMA Eat Bulaga

GMA umamin ratings ng Eat Bulaga sadsad

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAKATUWA para isang network na umaming bagsak ang isang show na ipinalalabas nila. Walang choice ang GMA 7 kundi umamin, dahil ang kanila mismong ipinagmamalaking survey ng AGB Nielsen na nagsasabing halos lahat (show) ng nasa Top 20 ay sa kanila, ang siya ring nagsabing sadsad na ang ratings ng Eat Bulaga matapos ang isang buwang paglayas ng TVJ at ng lehitimong Dabarkads. 

Marami Kasi silang maling diskarte eh.Naniwala sila na ang Eat Bulaga ay mananatiling Eat Bulaga kahit na ang bumulaga sa audience ay mukha nina Betong, Buboy Villar, at Paolo Contis. Naniwala silang mabubulaga na ang mga tao kung mapapanood sa kanilang show si Yorme (Isko Moreno) na umamin namang jobless na ngayon matapos matalo nang tumakbong presidente. Isipin mo nga naman mula sa pagiging Yorme, vlogger na lang siya kaya nang alukin siya ng Eat Bulaga, dinakma niya iyon. Akala rin niya makakabulaga siya, kaso siya ang nabulaga nang patuloy na bumagsak ang ratings niyon kahit namumudmod na sila ng pera sa mga nasasalubong nila sa kalye. 

Aba madaling hanapbuhay iyon, pumunta ka lang doon may bayad ka na, may chicha pa. Kung manalo ka pa sa contest, mas malaki pa ang makukuha mo. Nakita naman ninyo, iyong katulong ni Buboy sa paresan dahil sa liit ng kita sa paglalako ng pares sa kariton, sumali sa contest ng Eat Bulaga at kahit na paano nanalo naman na maaari na niyang gamitin para magkaroon ng sariling paresan at nang hindi na siya katulong lang ni Buboy.

Sa pag-amin ng GMA na bagsak ang Eat Bulaga, hindi kami nabulaga pero ewan lang sila dahil inamin na rin nilang hindi nakagulat sa mga udience ang mga artista nilang sina Betong, Buboy, at Paolo. Ewan lang ha, pero siyempre hindi nila ibibigay o isusugal sa mga Jalosjos ang mga big star nila. Hindi nga nila ibinalik doon si Alden Richards eh. Pero siguro kung mas pleasant ang inilagay nila roon gaya nina Eugene Domingo o kaya kahit na sina Mike Tan at isa pang maganda tulad ni Rhian Ramos, baka mas ok pa at least hindi ka hindi matutunawan kung kumakain ka man habang pinanonood sila.

Eh iyong mga joke niyong Betong at Buboy, at ang mga birada ni Paolo, nakakakulo ng tiyan eh, hindi bagay sa oras ng pananghalian. Alam ng lahat iyan ha, kaya nga hindi sila pinanonood eh, kaya bagsak na bagsak na ang ratings nila. At iyong Eat Bulaga 7% ang ratings ngayon at 3.1%, naman ang It’s Showtime na dati ay hindi man lang

makadikit sa kanila. Kung inalis na lang nila ang Eat Bulaga, at iba na ang title, tutal wala na rin naman sa kanila ng mga segment na imbento ng TVJ, naglagay na lang sila ng laro kagaya niyong Nora-Vilma sa mga peryahan, baka nag-click pa sila. 

Maliwanag ngayon, ang utak talaga ng show niyan ay ang TVJ at ni hindi ang tumayong producer nilang si Tony Tuviera. Iyon namang sinasabi ng mga Jalosjos na nalugi sila. Bakit ang TVJ ang kinausap nila, bakit hindi si Tuviera na siya nilang presidente at CEO nang maraming taon? May akusasyon silang nawawalang pera, ang dapat tanungin si Tuviera, ano ang nalalaman ng mga host lamang ng show sa pera ng korporasyon?

Maraming palusutan ngayon eh, kasi nga bumagsak na. Pero kung iyang Eat Bulaga hindi bumagsak, magiging ganoon kaya ang tono ng salita ng mga Jalosjos? Kukunin kaya ng GMA ang Showtime? Hindi nila gagawin iyon eh kasi ang show na iyon sa ABS-CBN at baliktarin mo man ang mundo, sa ABS-CBN pa rin iyon. Iyang pagkuha nila ng mga show ng Kapamilya, insultong malaki iyan sa kanilang mga datihan nang creative at production people. Kung sino pa iyong taga-GMA ismo na-bump off ng mga taga-Madre  Ignacia. Para na ring inamin ng GMA na noong araw ay para lang silang kakaning itik sa ABS-CBN.

Pero ngayon wala silang choice, aminin na nilang mahina talaga sila dati, o pabayaan nilang bumagsak ang network kahit na walang kalaban. Nang mawala kasi ang ABS-CBN, dahil sa paniwalang walang ibang malakas na network, nagtaas agad ng advertising rates ang GMA. Eh hindi naman sumipa ang mga show nila, at ngayon nga nawala iyong legitimate na Eat Bulaga at ang nasa kanila ay isang poor imitation, aba eh mas nakahihiya iyan, tapos umatras pa talaga ang sponsors. Kaya nga hindi man maganda kailangan silang gumawa ng mga makatuwirang business decisions. Ipaglalaban ba nila ang show na bumagsak kahit na walang kalaban, o yayakapin nila ang dating kalaban para mabuhay sila?

Mahirap din ang naging katayuan ng GMA nang lumayas ang TVJ. Hindi sila marunong maglaro eh. Kung ang ginawa ba nila hindi nila hinayaang makaalis ang TVJ at sa halip inalok nila ng isang noontime show sa GTV, eh ‘di sana sa kanila ang malaking kita at hindi napunta sa TV5. Ngayon na nakuha na ng TV5, nagpuputok ang butse nila.

Hindi iyan makukuha sa mga pralala sa Facebook.

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …