Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Sam Verzosa

Politika isa sa naging dahilan ng hiwalayang Rhian at Sam

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA unang pagkakataon ay nagpahayag si Rhian Ramos tungkol sa hiwalayan issue nila ni Tutok To Win Party-list Representative Sam Versoza.

Kinompirma ni Rhian sa Fast Talk With Boy Abunda na totoong nagkahiwalay sila ni Sam pero nagkabalikan na.

“Okay, yes, that is true.

“What happened, I guess, we could’ve communicated better,” saad ni Rhian.

Nakaapekto rin sa kanilang relasyon ang pagtakbo ni Sam noong nakaraang eleksyon.

It was difficult, and If I can just be honest, if I think about it, I wish I could have been more supportive.

“Noong nanalo na siya, roon ko lang na-realize na hindi ko siya nasamahan sa kahit anong rally.”

Paliwanag pa ni Rhian, “Growing up as an artista, I have learned to try to not be so political kasi I don’t want anyone making important decisions because of me. Like, kung sino ang iboboto.

“Kaya never din akong nakapag-endorse ng politiko. Nakailang eleksiyon na rin akong naranasan, pero I didn’t want for someone to make important decision like that in front of me.”

Isa nga ito sa rason kung bakit sila naghiwalay ni Sam.

I would say, was one of… but it was a compilation of a lot of things and it’s hard to say.”

Sa pagbabalikan nila, may mga natutunan sila ni Sam.

“I think it’s very important in a relationship na kaya niyong pag-usapan lahat and you’re not forcing the other person na hulaan kung anong nararamdaman mo.

“Tao lang tayo lahat, hindi tayo manghuhula.

“So, I think, it is important that you always say exactly how you feel and what’s on your mind. Kasi malay mo, ayaw niya pala na ganoon ang nararamdaman mo.”

Napapanood si Rhian sa Royal Blood ng GMA bilang si Margaret.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …