Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl

Herlene ikinatwirang nasa level 2 ang brain cell kaya mahina magkabisa

RATED R
ni Rommel Gonzales

KOMEDYANA si Herlene Budol pero magdadrama siya sa unang pagkakataon sa Magandang Dilag.

Kaya na ba niyang maging dramatic actress?

“Kayo ho ang mag-judge sa akin kung kaya ko ho.

“Kasi, parang ayoko namang buhatin ang sarili kong bangko.

“Basta sana po, matuwa po kayo sa mga eksena ko na drama. Na akala ko, hindi ko rin magagawa kasi, bilang komedyante nga ho, hindi ko rin naisip na komedyante pala ako, na nakaTatawa pala ako.

“Lalo pa noong drama naman ho. Iyakin lang ho ako, pero hindi ko naisip na magiging dramatic actress,” ang mahabang sagot ni Herlene.


Aminado naman si Herlene na mahina siya pagdating sa pagmememorya ng mga dayalog.

Yun nga ho, ‘di ba, naikuwento ko nga dati na hirap ho ako sa script talaga.

“’Di ba, noong college nga ho ako, hindi ako pumapasok kapag may recitation. Kasi nga, hindi ko kabisado.

“Eh ngayon nga, obligasyon ko talaga to, kaya ginagawa ko ‘yung best ko.”

Pero may paraan si Herlene para makapagmemorya.

Ang ginagawa ko, lahat ng lines, tapos isusulat ko one by one. Pati po mga line po ng mga kaeksena ko, isinusulat ko po.

“Ewan ko bakit ganoon po ako magkabisado. Hindi ko po siya kayang basahin lang siya nang ganyan pa.

“Siguro po, level 2 pa lang ang brain cells ko. So, we’re going to level 10 soon,” pagbibiro ni Herlene.

“’Yun po ang adjustment ko, isusulat. Matutulog, tapos kakabisaduhin. Napapanaginipan ko na nga ho.”

Mapapanood na ang Magandang Dilag sa June26 sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …