Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno TVJ Eat Bulaga

Yorme Isko nagpasintabi sa TVJ bago tinanggap ang Eat Bulaga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKING karangalan para kay Yorme Isko Moreno na mapasali sa Eat Bulaga. Gayunman wala siyang balak na tapatan sina Tito, Vic, at Joey o TVJ.

Sa eksklusibong panayam ng Marites University kay Yorme inihayag niya ang saloobin ukoil sa pagsali niya sa bagong bihis na noontime show na Eat Bulaga.

Ani Yorme, “I’m actually honored and humbled with the opportunity. Malaking karangalan na, you know, maging bahagi ng isang institusyong show. You can call it an institution because naging bahagi ito ng buhay natin na I guess this is now the 44th year na araw-araw napapanood natin.  

“At alam natin na sina Tito, Vic and Joey, legend natin ‘yan sa noontime show at maraming parte ng buhay natin na talagang bahagi ang ‘Eat Bulaga.’

“That’s why I’m really grateful to TAPE Inc., to the management and to the creative team, the production na mapili tayo na maging bahagi ng bagong ‘Eat Bulaga.’” 

Nilinaw din ni Isko na wala siyang balak tapatan ang TVJ.

“As I have said, when I said yes to be part of ‘Eat Bulaga,’ we don’t have any intention, I for one, have any intention na palitan sila.  

“It’s just there’s vacuum in the show and maraming umaasang empleado na kinakabahan na baka matigil ang show and you know, we took the challenge and try to be the best we can be in a daily live show. 

At paulit-ulit ko ngang sasabihin, hindi basta-basta matatanggal sa puso at damdamin ng ating mga kababayan (ang TVJ),” sabi pa ng magiting na dating mayor ng Maynila.

At bago pala tinanggap ni Yorme ang alok na maging isa sa host ng Eat Bulaga ay   nagpaabot siya ng mensahe sa TVJ bilang pagrespeto.

“Nagpasintabi rin ako. It’s just a matter of mutual respect. We have a common friend, ‘pare, pakisabi lang kila TVJ.’ Sabi ko may offer sa akin at tatanggapin ko. Okay naman, wala namang sinabi at all.

“So it’s nothing to do with them. It’s always something to do with the people.”

June 10 unang sumalang si Isko sa naturang noontime show kasama sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong at marami pang iba. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …