Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, swak na host ng world class game show na Bet On Your Baby

HANDANG-HANDA nang sumabak ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pagho-host ng kanyang kauna-unahang game show na siya ay nakare-relate nang husto, ito ay ang Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Hindi na naman bag okay Juday ang mag-host dahil siya rin ang host ng matagumpay na season ng MasterChef Pinoy Edition at Junior MasterChef Pinoy Edition na ginawaran pa siya ng Anak TV award.

Pero rito sa bagong show ni Juday, aminado itong malapit sa puso niya ang hosting stint sa Bet On Your Baby dahil isa rin siyang hands-on mom kaya akma sa kanya ang mensahe ng programa na importanteng kilalanin nang husto ang sariling anak.

Kaya naman bilang bahagi ng tradisyon ng paghahandog ng mga de-kalidad at “world class” na programa sa mga Filipino, dinala ng ABS-CBN sa bansa ang patok na international game show na Bet On Your Baby.

Bale susubukin sa Bet On Your Baby kung gaano kakilala ng mga kalahok na magulang ang kanilang mga supling na may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahating taong gulang. Kaya’t simula nang mailunsad ang game show na ito ngayong taon lang sa Estados Unidos at Turkey, agad itong napamahal sa kanilang mga manonood.

Maliban sa Pilipinas, kasado na rin sa bansang China ng kanilang edisyon ang nasabing game show.

Tatlong pamilya naman ang lalahok sa bawat episode ng Bet On Your Baby. Bawat pamilya ay sasabak sa tatlong round, ang initial round, puzzle round, at ang jackpot round. Sa una at ikalawang round, isa sa mga magulang ng bata ay magbibigay ng hula kung ano ang magiging resulta ng gagawin ng anak nila sa loob ng “Baby Dome,” na kasama ng kanyang partner ang kanilang anak. Ang lahat ng mga pamilyang makakokompleto ng first round ay makatatanggap ng P10,000.

Sa pangalawang round naman ay mag-uunahan ang mga pamilya na malutas ang isang challenge, at ang unang makalulutas ay tutuloy sa jackpot round, na mabibigyan sila ng pagkakataon para masungkit ang P1-M.

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang Bet On Your Baby. Para sa mga update, i-like ang Bet On Your Baby sa Facebook (www.facebook.com/betonyourbabyph) at sundan ang @betonyourbabyph sa Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …