Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga Dabarkads TVJ TV5

TVJ, Dabarkads sinalubong na parang foreign dignitaries ng TV5

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin iyong video, akala mo isang foreign dignitary ang dumating sa studios ng TV5, pumapasok pa lang ang saksakyan, may nakapaligid na agad na mga security personnel at igina-guide patungo sa parking. Ganoon ang naging pagsalubong nila sa TVJ at sa mga

Dabarkads nang dumalaw ang mga iyon sa ginagawa pa nilang studios at para sa isang simpleng lunch na inihahanda nila kasama ang ibang mga empleado ng TV5. Simple lamang ang ulam, tinolang manok at pritong tilapia, pero ang mahalaga ay nagkasalo-salo sila.

Kasabay naman niyon ang katuwaan nila ay inilabas nina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo nang live sa social media at alam

ba ninyong naka-4 million views sila. Kung iyan mismo ay show na at nasa free tv na, ilang milyon na kaya ang manonood sa kanila? Talagang bulagta pa rin ang kalaban nila.

Mahirap talunin ang TVJ at ang mga Dabarkads, at kung alam na nilang ganoon ano pa nga ba ang dahilan at nagpipilit sila gamit ang mga second stringers? Kung ganyan din lang bakit nga ba hindi pa nila itigil? May nakikita pa ba silang chances?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …