Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mavy Legaspi

Mavy nagsayaw na rin lang ‘di pa inayos, pagho-host iwan na

HATAWAN
ni Ed de Leon

SAYANG si Mavy Legaspi, pero tama ang sinasabi niya, para sa kanya trabaho lang ang Eat Bulaga, tinanggap niya iyon dahil inalok siya, babayaran siya at sa tingin niya may matututuhan siya na makatutulong sa kanyang career. Ang hindi niya na-foresee. Maba-bash lang sila at makasisira iyon sa kanyang career at image. 

Isa pa hindi maganda ang handling. Kagaya noong isang araw, pinagsayaw siya, kasama pa ang Maneuvers, ok sana iyon hindi pa inayos. Para lang siyang nag-Tiktok, mas magaling pa iyong mga nagsasayaw lang sa internet. Sumayaw na rin lang eh hindi pa inayos.

Masasayang lang siya kung ganoon. Dapat iba na lang ang inilagay nila roon. Masisira lang siya kun maba-bash araw-araw. Iyang

si Mavy kung titingnan mo, iyan ang puwedeng i-develop na matinee idol talaga, sayang kung masisira lang siya riyan. Iwanan na lang niya kina Betong iyan, sayang ang kinabukasan niya sa showbusiness.

Palagay namin iyon ang dahilan kung bakit ayaw ding sumama iyong iba eh. Maikukompara lang sila sa TVJ na hindi nila kaya, wala namang bagong idea na ipagagawa sa kanila. Kikita nga sila pero masisira lang. Kung hindi naman kailangang-kailangan gaya ni Paolo Contis na dapat nang magsustento sa kanyang mga anak, at may bago na namang syota na puwedeng maanakan, hindi na lang.

Dapat kasi iyong Eat Bulaga makakuha ng isang mahusay na think tank na makagagawa ng mga idea kagaya ni Joey de Leon, pero sino nga ba ang makukuha nila? Kailangan makahanap sila ng gaya ni Joey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …