Friday , November 15 2024
John Rey Tiangco Percival Arlos Navotas CoA

Mula sa Commission on Audit (COA)
NAVOTAS NAGKAMIT MULI “UNMODIFIED OPINION”

NAKAMIT muli ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) at pinananatili nito ang rekord sa loob ng magkakasunod na walong taon.

Tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco ang COA report mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit.

Mula noong 2016, ang Navotas ay nakakuha ng “unmodified opinion,” bukod tanging lokal na pamahalaan sa Metro Manila na may ganoong record.

“Our 8-year streak is a testament to our transparent and honest spending of city government funds. Mindful of our limited resources, we made sure that we used every cent of our people’s money for projects and programs that would serve their best interests,” pahayag ni Tiangco.

         “We thank and commend all department heads and employees who have worked hard for us to achieve this honor. May this recognition inspire us to continue to uphold the highest standards of public service,” dagdag niya.

Nagbibigay ang COA ng “unmodified opinion” sa isang pampublikong institusyon na nagpakita ng posisyon sa pananalapi, pagganap sa pananalapi at mga daloy ng salapi sa patas na paraan, alinsunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …