Friday , January 3 2025

‘Burn the house down’ ingatan ( Babala ng mga eksperto )

092313_FRONT

“Huwag natin sunugin ang ating bahay para makapaglitson lamang.”

Matatandaang ito ang paalala sa bansa ng kilalang tagapagtaguyod ng Saligang Batas na si Fr. Joaquin Bernas hinggil sa maingay na usapin ng reproductive health habang papalapit ang halalan ngayon taon.

Noong nagdaang mga araw, dalawa sa mga natatanging pantas sa agham pampolitika mula sa dalawang nangungunang pamantasan sa bansa – Ateneo de Manila University (ADMU) at Pamantasan ng Pilipinas (UP) – ang nagbigay ng babala sa kahalintulad na tagpong tinatawag nilang “burn the house down” ma mapapansing nag-uumpisa na ang “balyahan” at “ungusan” dahil sa maagang pagtuon ng pansin ng lahat sa halalang pambansa sa taon 2016.

Sa magkahiwalay na panayam, kinompirma ni Propesor Benito Lim ng ADMU, ang mga bali-balita hinggil sa “burn the house down” scenario na umano’y unang makikita sa pagputok ng pork barrel scam. Dagdag pa rito, dalawa pa sa mga kasapi ng academic community sa katauhan ng visiting professor ng ADMU na si Dr. Benjamin N. Muego at ni Prop. Prospero De Vera III ng UP ang nagpahayag ng pag-aalala sa kalagayan ng politika na maaaring lumala kung magpapalito ang mamamayan at ibabaling ang pansin papalayo mula sa usapin ng ‘pag-uusig at pagpapanagot’ sa mga mapapatunayang tiwali.

“Binalaan na tayo ng oposisyon hinggil sa ‘pasabog’ sa Lunes, di ba nila alam? Paulit-ulit nila itong sinasabi mula noong isinumite ni Secretay Delima ang “trak-trak na ebidensya” sa Ombudsman (The opposition already forewarned the public of a ‘bombshell’ on Monday. Haven’t you heard? They have been saying that from the day (Justice) Secretary De Lima brought the so-called ‘truckloads of evidence” on the Napoles pork barrel scam to the Ombudsman),” said Lim.

Usap-usapan na ang ‘pasabog’ na papaputukin sa bulwagan ng Senado ay magsasangkot sa matataas na opisyal ng sangay-ehekutibo ng pamahalaan at marami pang kasapi ng Kongreso sa “high-level corruption.” Itinuturing ni Lim na ‘pang-agaw pansin’ o ‘pampalito’ upang salbahin o iligtas ang mga sari-li ng mga nasasakdal sa Napoles pork barrel scam.

“Mahihirapan sila. Matutubos ba nila ang kanilang nawawala nang mga karera? Tingin ko ay hindi na. Ang dalawaay mahihirapang kombinsihin ang mga tao na wala silang kinalaman sa pag-lustay ng kanilang mga PDAF (Priority Development Assistance Fund),” paliwanag ni Lim.

“Mahihirapan sila rito, kahit pa nga gagamit sila ng distraction strategies upang ibaling ng mamamayan ang atensiyon sa iba,” ayon kay Lim.

“Even Adam and Eve pointed to the Snake (Hindi nga ba si Adan at si Eba’y ang Ulupong ang inginuso?)”

Kung si Muego naman ang tatanungin, sisingaw lamang ang kahit na anong ‘pasabog’ kung pakakawalan dahil sa pagnanais na umiwas sa pagtutok ng publiko sa pag-uusig at pagpapanagot sa kanila.

“Matapos patayin ang mga mikropono at lumayo na ang mga kamera, ano nga ba ang nangyayari pa sa mga pagpapasikat at walang-tigil na pusturahan ng mga mambabatas? (What happens after all the grandstanding and endless posturing by members of Congress; after the microphones have been turned off and the television cameras are out of range?” tanong ni Muego.

“Ano na nga ba ang nangyari na sa bulto-bultong papel na pinag-imprentahan ng napakaraming committee reports at mga imbestigasyon ng Kongreso? Meron na bang nausig, o mas mahalaga’y, meron na bang napanagot mula sa napakahaba at napakagastos na mga pagsisiyasat? (Whatever happened to the reams and reams of committee reports and investigations? Have prosecutions or even more importantly, convictions, resulted from these protracted, tedious and expensive investigations?)” Muego added.

Ayon naman kay De Vera, ang malalaking pangvyayari tulad nito ay nagpapakita lamang ng sumasamang kamulatan sa politika ng bansa.

“Ang mga telenobelang ito at mga katulad na palabas sa politika ay isa lamang patunay sa lumalalang politika sa bansa. Mas masama rin itong patotoo sa uri ng ating mga pinuno. Kapag ganito ang mga nangyayari, ito ang pinakamasamang panahon sa ating demokrasya. Hindi tayo dapat ganito dahil ipinapakita lamang na sadyang mahina at gamusmos pa ang ating demokrasya. (The political spectacle and telenovela is a sad commentary on our political institutions and worse, on our political leaders. This is the worst phase of democracy… the way it should not be, as it only shows that what we have is a weak, almost fledgling democracy),” puna ni De Vera.

Pinag-iingat naman ni Lim ang publiko sa padalos-dalos na panghuhusga sa mga mangyayaring pagtuturo at pagsisiwalat.

“Sobra naman tayong mapanghusga o mapangutya noon kung sasabihin natin o idedeklara natin na lahat sila ay tiwali. Kung karamihan sa kanila ay nangungurakot, matutupok ang bahay. (It is also completely cynical on our part if we say or declare that all of them are corrupt. If majority there are corrupt, the house will go down),” ayon kay Lim. “Ngunit kung bakit kung iilan lang, maaring mabuhay pa ang institution,” pahayag ng naturang eksperto.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *