REALITY BITES
ni Dominic Rea
MAINIT ngayong pinag-uusapan sa pageant world lalo sa Miss Universe ang pag-welcome ng mga trans and single moms na lumahok sa naturang patimpalak.
Like what happened last Sunday night sa Miss Universe-Philippines na may sumaling single moms.
Sa papalapit na kauna-unahang Mrs. Face Of Tourism-Philippines ngayong May 31 (na wala pang venue) ay naging deretsahan ang sagot ng tatlong candidates na sina Alma Soriano mula sa probinsiya ng Bulacan, Jannith Lauce Romantico mula sa probinsiya ng Quezon, at Susan Villanuena mula sa Baguio na may kanya-kanyang dahilan ang organisasyon ng bawat beauty pageant kung ano ang kanilang nagiging ruling sa panahong ito.
Naging deretsahan ang tatlong misis sa pagsasabing hindi sila against dito pero naniniwala silang may kanya-kanyang platform para sa bawat pageant. Kaya nga raw tinawag na Miss Universe dahil mga single ladies o mga miss lang ang may karapatang sumali.
Tulad nila, nagkaroon ng pagkakataong mabuo ang Mrs. Face Of Tourism-Philippines kaya bilang mga misis na ay dito sila sumali.
Kaya nga napakaraming titulo ng beauty pageants at kung saan nararapat sumali ang isang kandidata ay doon lang dapat at huwag nang gawing isyu ang equality dahil lahat naman ay pantay-pantay. ‘Yun nga lang, dapat doon ka lang sa kung saan ka lulugar bilang isang beauty contende.
Talbog!