Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Matteo at Sarah tiniyak pagbuo ng baby aasikasuhin bago matapos ang taon

RATED R
ni Rommel Gonzales

“LOVE, bagay ka roon sa Public Affairs.”  Ito ang sinabi ni Sarah Geronimo sa kanyang asawang si Matteo Guidicelli, na isa nang Kapuso.

Sa press conference nitong Huwebes sa pagpirma ni Matteo ng kontrata para maging bahagi ng Public Affairs ng GMA Network, sinabi ng aktor na masaya at suportado ni Sarah ang kanyang desisyon.

“Sabi niya, ‘Love, bagay ka roon sa Public Affairs. Your prayers are answered. Our prayers are answered,” pahayag ni Matteo tungkol sa sinambit ni Sarah sa kanya.

Tungkol sa pagiging ama, sinabi ng aktor na, “Handang handa na, dati pa.”

Gayunman, mayroon pa silang dapat asikasuhin muna ng kanyang maybahay.

“God willing, after all [the] activities that Sarah wants to do [and] want to accomplish and, of course, my commitments with [GMA Network], hopefully, by the end of the year, sana pag-pray natin lahat na makabuo,” pahayag ni Matteo.

Ginanap ang contract signing ni Matteo sa GMA Public Affairs nitong Huwebes sa SEDA Vertis North sa Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …