RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMING viewers ang natuwa nang bumisita si Rhea Santos sa set ng Unang Hirit kahapon. Dating part ng UH barkada si Rhea at ngayon ay naninirahan na sa Vancouver, Canada.
Mainit ang naging pag-welcome sa dating host na excited ding makita ang mga dating katrabaho sa Kapuso. Kahit pa apat na taon nang nasa ibang bansa si Rhea, mistulang hindi siya nawala sa morning show dahil sa magandang rapport niya sa hosts at husay sa pagsasalita on-cam. Gaya ng dati, magiliw pa rin ang dating host habang ikinukuwento ang kanyang buhay abroad maging ang mga plano niya sa career at personal life.
Naging tahanan ni Rhea ang Unang Hirit sa loob ng mahigit 20 taon kaya hindi maikakailang na-miss niya ito at mga katrabaho niya sa programa. Sure na sure ring maraming Kapuso ang naka-miss sa kanya tuwing umaga.