Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin LizQuen

Cristy Fermin may pasabog sa LizQuen: hiwalay na raw

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BALIK-PILIPINAS na pala si Liza Soberano. At ito ay ibinalita sa Showbiz Now Na nina Tita Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika.

Karugtong na balita ng tatlong matitinik sa showbiz tsika, tila hindi raw alam ni Enrique Gil, ang sinasabing karelasyon ni Liza (hanggang ngayon kaya?) na nasa bansa na ang aktres.

Kaya kasunod nito ay ang pagkompirma nina Tita Cristy, Wendell, at Romel na hiwalay na ang LizQuen at isang araw ay ang dalawa mismo ang magkokompirma ng tunay na estado ng kanilang relasyon.

Noon pa mang nagpapahayag si Liza ng mga disgusto niya sa kanyang career, lumabas na ang balitang tila hindi na okey ang LizQuen dahil nga sa pananahimik ni Enrique.

Wala raw kasing say o reaksiyon man lang si Enrique sa mga nagaganap kay Liza. 

Na ipinagtanggol naman ng dati nilang manager na si Ogie Diaz na sinabing sa pagkakaalam niya ay magkarelasyon pa rin ang dalawa. At kung hindi man nakikialam  si Enrique ay baka mayroong usapan ang dalawa.

Ani Tita Cristy, “Isipin mo, dumating si Liza ng Pilipinas hindi alam ni Enrique?  Hindi siya ang sumundo?”  

Na sinagot naman ni Romel na baka sorpresahin ni Quen si Liza sa pagbabalik nito ng Pilipinas. 

Pero iginiit ni Tita Cristy na hiwalay na ang dalawa at naghihintay na lang siya na isang araw ay lalaban ang katotohanang hiwalay na sina Liza at Enrique. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …