HATAWAN
ni Ed de Leon
SALAMAT naman at sa wakas gumaling na rin ang anak ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie. Worried talaga si Anne dahil sa kanyang pabalik-balik na lagnat, at kung ganoon nga ang isang bata, tiyak may infection na hindi naman nila alam kung ano.
Siyempre puro mahuhusay na doktor naman ang tumingin sa kalagayan ng kanyang anak, pero tama si Anne ang paggaling ng anak niya ay dahil sa maraming nagdasal para gumaling na iyon. After all sino nga ba ang nagde-decide sa kagalingan ng isang tao kundi ang Diyos lamang. Pero may nagtatanong naman, kung puro kabutihan ang hangad ng Diyos, bakit mayroon din namang ipinagdarasal pero namamatay pa rin?
Hindi natin alam kung bakit ganoon ang kalooban ng Diyos pero ano man ang mangyari, pinaniniwalaan nating iyon ang pinakamabuti para sa taong ipinagdarasal natin.
Sinasabi na nga namin, kami lang, apat na beses nang inatake sa puso, nito lamang kamakailan stroke pa ang nakadale sa amin. Milagro na lang talaga at nakaligtas pa kami. Iyong mga dinaanan naming sakit ay hindi biro-biro, at wala naman kaming pera para itustos sa maayos na pagpapagamot, pero sa awa ng Diyos at sa tulong ng aming mga kaibigan, nalampasan naming lahat iyon.Talagang ang lahat ay nakasalalay pa rin sa awa ng Diyos kahit na sino ka pa.
Mabalik naman tayo sa anak ni Anne, naniniwala kami na hindi magtatagal at papasok na rin iyan sa showsbusiness, aba eh noon pa sila kinukulit para gawin iyong model sa mga commercial. Alam naman ninyo ang mga tao sa advertising, laging on the look sa magagandang bata. Pero ang sinasabi naman ni Anne, ayaw pa nga raw ni Erwan Heussaff (asawa ni Anne) na ang kanilang anak ay masabak sa mga trabaho habang maliit pa iyon.
“We would like to wait for the time when she can decide for herself, then if she wants to, hindi naman namin siya pipigilan. It’s her life,” sabi ni Anne.
“Kagaya ko rin, no one really told me I should be in showbusiness, it just came, and I liked it kaya nagtuloy-tuloy na ako. It was my decision and therefore everything that goes with it is my responsibility. Ganoon din ang gusto namin sa kanya, “sabi pa ng
aktres.
Pero sa dami ng kumukumbinsi sa kanila, ewan lang kung hindi rin sila pumayag na maski na sa commercials lang ay pumasok na ang kanilang anak.