Thursday , August 14 2025

Away-away na sila: Enrile niresbakan ng kanyang ex-CoS

LOOK! Ang dating ‘nagmamahalang’ mag-amo na magkasama ng 25 years at pinaghiwalay ng mga kontrobersya ay nagbabangayan na ngayon.

Si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes, na ngayo’y ‘nagtatago’ sa ibang bansa at dating Chief of Staff (CoS) ni Sen. Juan Ponce-Enrile ay nagpahayag ng kanyang sama ng loob sa pagkadawit sa kanya sa nabunyag na katiwalian sa pork barrel fund ng mga mambabatas.

Sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng FB (facebook), binigyang-diin ni Reyes na naging tapat siya sa kanyang dating amo (Enrile) sa loob ng mahigit 25 taon niyang pagiging staff ng Senador.

Aniya, simula nang mag-resign siya bilang CoS ni Enrile ay wala na silang komunikasyon ng dating amo at ginusto niyang manahimik na lamang sa ibang bansa.

Si Reyes, ayon sa rekord ng Bureau of Immigration, ay lumabas ng bansa nitong Agosto 31, 2013 bago pa man nailabas ang “lookout bulletin” laban sa mga sangkot sa P10B pork barrel fund scam na ang itinuturong mastermind ay si Janet Lim-Napoles.

Sabi ni Reyes, hindi niya inaasahan ang tila pag-traydor sa kanya ni Enrile.

Si Enrile ay kasama sa mga mambabatas na kinasuhan ng plunder ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman.

“The worst blow has just been dealt upon me by no less than the camp of Senator Juan Ponce-Enrile, the man I served with full dedication, honesty and loyalty for 25 years,” sabi ni Reyes.

Resbak niya ito matapos magpahayag kamakailan si -Enrile na hindi niya pinahintulutan ang kanyang chief of staff sa pork barrel transaction sa NGO ni Napoles.

Tila idinidiin kasi ni Enrile na wala siyang kinalaman kundi si Reyes ang responsable sa pagbibigay ng multi-million pork barrel sa mga pekeng foundation ni Napoles. Si Reyes din ang tumatanggap ng umano’y 50% kickbacks sa kanyang pork.

Si Reyes ay kasama rin sa walong chiefs of staff ng mga mambabatas na kinasuhan ng pandarambong (plunder) sa Ombudsman.

Bayan, anong sey n’yo rito? May pakialam kayo/tayo rito dahil pera natin ang pinag-aawayan nila rito!!!

Tuligsain!

‘Batas’ laban sa pagnanakaw

sa ibang bansa…

Sa Estados Unidos, ang pagnanakaw ay mahigpit na -ipinagbabawal ng batas. Siguradong makukulong ka!

Sa England, ang foreigners na mahuli sa pagnanakaw ay itinatapon.

Sa Middleast, ang pagnanakaw, siguradong putol ang mga kamay.

Sa Japan, ang pagnanakaw ay kahihiyan sa pamilya, sila’y nagha-Harakiri o nagpapakamatay.

Sa China, kapag nahuling nagnanakaw, firing squad.

Sa Filipinas? Its more fun in the Philippines. Ang pagnanakaw ay officially legislated na kung tawagin ay -Priority Development Fund or litson baboy!

Snatchers na riding in tandem

umaatake sa madaling-araw

Joey, ‘yung snatchers na riding in tandem ay umaatake sa madaling-araw kapag wala nang makitang unipormadong pulis. Kadalasan babae ang nabibiktima nila. Mula 2:00- 4:00 am sila umaatake. Dapat magkaroon uli ng checkpoint sa gabi sa Kamaynilaan. – 09475569…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: joey_pulis@yahoo.com

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *