Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Boy Abunda Chito Roño

Lotlot de Leon  pinatalon, pinaakyat ni direk Chito Rono sa bintana

RATED R
ni Rommel Gonzales

NOON pa man ay naikuwento na sa amin ni Lotlot de Leon ang hindi niya malilimutang karanasan sa shoot ng pelikulang Feng Shui.

Gumanap siya sa naturang blockbuster movie bilang si Alice at sa pagsalang ni Lotlot sa one-on-one interview sa Fast Talk with Boy Abunda, isa sa mga itinanong sa kanya ng batikang host ay kung ano ang role na talagang nahirapan siya?

At iyon na nga, ang pinakamahirap niyang ginampanan ay ang karakter niya sa pelikulang pinagbidahan ni Kris Aquino.

“I think siguro po ‘yung sa ‘Feng Shui,’ kasi hindi ko po ine-expect na ako ‘yung patatalunin ni Direk Chito Roño sa bintana,” pagbabalik-tanaw ni Lotlot.

Hindi niya inasahan na sa kanya ipagagawa ni direk Chito ang mga mahihirap na stunts dahil mayroon naman siyang ka-double noon.

“May double ako, so I was expecting na ‘yung double ko ang gagawa niyong mga eksena na mabibigat kagaya niyong pagsampa sa bintana, at pagkalaglag sa bintana.

“So I was happily watching Direk Chito explain to Kuya Archie Adamos and to my double ‘yung stunts, so tuwang-tuwa ako sabi ko, ‘Ang ganda, ang galing galing naman,’ sabi ni Direk Chito, ‘Lot, nakita mo ‘yon?, ‘Opo, ang galing-galing,’ sabi niya, ‘Gawin mo.’

“Sabi ko, ‘Ha? Alin po roon?’ [sabi niya], ‘Lahat,’” natatawang pag-alal ni Lotlot.

Paglilinaw naman ni Lotlot, matagumpay niyang nagawa ang mga stunt dahil naging safe ang production habang kinukunan ito.

“But when that happened, Tito Boy, I knew I was in safe hands because everyone in the set is really taking care of me. Kasi lahat po ng mga eksenang ipinagawa sa akin talagang ako po talaga lahat ‘yun, hindi ko rin po akalain na kaya ko rin palang maging stuntwoman,” pagbabahagi pa ni Lotlot.

Sa ngayon ay mapapanood si Lotlot sa GMA Primetime Series na The Write One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …