SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PINALAKPAKAN at hinangaan ang mga nagsinagap sa isang “advocacy and statement” movie, ang Siglo ng Kalinga nang idaos ang world premiere nito kamakailan sa SM Megamall Cinema.
Ang Siglo ng Kalinga ay tumatalakay sa buhay ng mga Nurse na itinuturing na mga bagong bayani ng bansa dahil sa kanilang sakripisyo ngayong panahon ng pandemya.
Pawang mga Nurse ang nagsiganap sa Siglo ng Kalinga na base sa buhay ng PNA founder na si Anastacia Giron-Tupas (AGT) at ng iba pang Pinoy Nurse na nakasama niya sa ilang taong paglilingkod sa ating mga kababayan. Ito ang paggunita ng isang siglo ng anibersayo ng PNA.
Sa Red Carpet Premiere ng Siglo ng Kalinga dumalo ang mga miyembro ng healthcare community sa Pilipinas kabilang na ang mga officer ng Philippine Nurses Association na nakatrabaho ng doktor at movie producer na si Dr. Carl Balita.
Bida sa pelikula sina Joy Ras bilang Anna Formantes at Ellener Cruz bilang Anastacia Giron-Tupas. Tampok din sina Estacia Cruz, Tads Obach, Bambi Rojas, VJ Mendoza, Anna Ellescas, Val Ramilo, Cora Anonuevo, Lorrich De Castillo, Jewell Alano, Abbey Romero, Denmark Mismanos, Frances Cuevas, Nerisaa Gerial, Joel Rey Carcasona, Christian Campos, Gilbert Manzano, Aldrin Samson at marami pang iba.
“Nurses are the best actors in real life. They had to look pleasant even in emergencies and other medical or health challenges a patient had to go through.
“They live up to Florence Nightingale’s words — ‘ignite the mind’s spark to rise the sun in you,’” ani Dr. Balita, na isa ring Nurse multi-awarded entrepreneur, author, at may-ari ng Carl E. Balita Review Center (CBRC).
Ayon sa sumulat ng kuwento ng pelikula na si Archie Del Mundo, ang kuwento ng pelikula ay tatakbo at mag-uugnay sa buhay ni Tupas at ng mga Filipinong nurse sa kasalukuyan.
“The film is 99% set at present-future. There are a few flashbacks to AGT’s momentous scenes. It’s In medias res (in Latin, it means ‘in the midst of things’. It is the practice of beginning a story in the middle of the action and answering the viewer’s questions through flashbacks or dialogue,” aniya pa.
Ang pelikula ay idinirehe ng award-winning filmmaker na si Lemuel Lorca, mula sa produksiyon na naghatid sa 2017 na pelikulang Maestra (An Educator) na pinagbidahan nina Anna Luna, Angeli Bayani, at ng Queen of Visayan Movies na si Gloria Sevilla.
Sinabi pa kay Dr. Carl, “Alam n’yo ba na maraming Nurses dito ngayon ay job order lang? Kapag ganito, contractual ka lang at walang security of tenure. Tapos inoperan ka ng UK or America, kasama pamilya mo, tatanggi ka ba? ‘Yan po ang realidad ngayon.”
Nakatutuwang wala mang karanasan sa pag-arte at sumailalim lang sa workshop ang karamihan sa mga gumanap sa pelikula, talagang pinalakpakan sila. Sabi nga ng mga nakapanood sa kanila, parang hindi mga first-timer ang cast members.
Ani Dr. Carl talagang sumailalim ang lahat ng artistang lumabas sa pelikula sa matinding acting workshops na pinamunuan ng premyadong aktres na si Angeli.
Sina Kuh Ledesma at Dr. Carl ang kumanta ng theme song ng movie na isinulat ni Vehnee Saturno.
Mapapanood na sa mga sinehan ang Siglo Ng Kalinga ng Dr. Carl Balita Productions simula sa May 31, na may advance screening sa May 12 sa SM Megamall, na sumakto sa pagdiriwang ng International Nurses Day.