Sunday , November 17 2024
TNT video SIM Registration

Nakaaaliw na TNT video para sa SIM Registration nag-viral

MISTULANG comedy-suspense plot ang bagong viral video ng mobile brand na TNT na nagpapakita ng posibleng mangyari kung hindi makapag-register ng SIM.

Sa witty at creative na video, na umani ng 14 million views sa TikTok at 8 million views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw, tampok ang isang mag-ama na naabala ng pagkatok ng isang babae na nagpakilala gamit lamang ang cell number nito. 

Sa kabila ng pagpupumilit ng babae ay hindi nila ito pinagbuksang mag-ama dahil hindi nila kilala ang cell number na isinisigaw nito. Sa huli, makikita ang babae na basang-basa sa ulan at nag-iisa dahil hindi niya mapatunayan ang kanyang identity. 

Nasa link na ito ang viral ad: https://www.youtube.com/watch?v=6AgJo4hoTBw.

Sa pamamagitan ng video na ito, nais ng TNT na ipaalala ang kahalagahan ng pag-register ng SIM para maiwasan ang permanent SIM deactivation, na maaaring magdulot ng maraming hassle. 

Kapag na-deactivate ang iyong SIM, hindi mo na makukuha ang mga one-time password (OTP) para sa iyong banking apps o mobile wallets, kaya hindi mo na rin maa-access ang iyong account at wallet credits.  Hindi mo rin maa-access ang lahat ng mga app na naka-link sa iyong mobile number tulad ng social media apps, messaging apps, at delivery apps, o mare-recover ang nakalimutan mong password na naka-link sa iyong mobile number.

Nais naming paalalahanan ang lahat ng TNT customer na mag-register ng SIM para tuloy-tuloy lamang ang kanilang saya at hindi maaantala ang kanilang daily online activities gamit ang pinakamalakas na coverage ng TNT sa buong Pilipinas,” saad ni  Francis E. Flores, SVP at Head ng Consumer Wireless Business – Individual sa Smart.

Kilala ang TNT bilang mobile brand na nagbibigay-saya sa mga Filipino, kaya naman para sa public service announcement na ito, sinadya talaga naming gawing informative at nakaaaliw ang video para epektibong maipakita ang mga panganib na dulot ng hindi pag-register ng SIM,” dagdag ni Flores.

‘Di naman naiwasan ng mga manonood na purihin ang video, na nagkumbinsi sa marami na i-register na ang kanilang SIM. At noong April 16, patuloy na nangunguna pa rin ang Smart at TNT sa SIM Registration sa bansa dahil sa 35.6 million registered subscribers nito.

Para maiwasan ang permanent SIM deactivation, i-register ang iyong SIM sa pamamagitan ng: 1. Pagbisita sa smart.com.ph/simreg o sa GigaLife app sa Google Play at Apple App Store; 2. Pag-type ang iyong impormasyon at mag-upload ng iyong valid ID; at Paghintay ng kumpirmasyon at ng iyong FREE data.

Ang TNT ay powered ng Smart, ang Fastest and Best Mobile Network sa Pilipinas, ayon sa Ookla, ang global leader sa mobile and broadband intelligence.

Ang Smart ang kauna-unahan at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nanalo ng Best Mobile Network award mula sa Ookla. Upang makuha ang prestihiyosong award na ito, nanalo ang Smart ng Fastest Mobile Network at Best Mobile Coverage award sa Q1-Q2 at Q3-Q4 2022 reporting periods ng Ookla.

Para sa mahahalagang updates, i-follow ang official accounts ng TNT sa Facebook, Instagram, YouTube, and TikTok, o visit tntph.com.

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …