Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villaroel Abot Kamay Ang Pangarap

Carmina gulat sa ‘magic’ ng Abot Kamay Na Pangarap

RATED R
ni Rommel Gonzales

PHENOMENAL na maituturing ang ratings at online views ng Abot Kamay Na Pangarap, kaya tinanong namin ang isa sa mga bida ng naturang GMA teleserye na si Carmina Villarroel kung ano sa palagay niya ang “magic” ng kanilang programa at matagumpay ito.

“Actually sa totoo lang hindi talaga namin alam. Kahit kami nagtatanungan kami, ‘Ano ba? Bakit?’

“We are just very thankful and kasi una pa lang talaga hindi naman talaga, wala naman kaming expectations, eh. Talagang ginagawa lang naman namin ‘yung trabaho namin.

“Siguro… ang ganda lang kasi talaga ng proyekto, ang ganda lang talaga niyong istorya.

“Siguro nakikita lang talaga ng mga tao ‘yung pagmamahal, ‘yung pagmamahal ng isang ina sa anak, ‘yung pagmamahal ng anak sa ina, lahat ng klaseng pagmamahal.

“Pagmamahal sa trabaho, pagmamahal ng isang manliligaw sa, you know, sa isang kasintahan, lahat ng klaseng pagmamahal nandoon sa show, eh. 

“Makikita mo ‘yung sinseridad, makikita mo ‘yung, napaka-natural. At saka siguro relatable kasi ‘yung istorya namin kaya siguro naaapektuhan ‘yung mga viewer  namin.

“Kasi nga nakare-relate sila sa role ko, nakare-relate sila sa role ni… kung sinuman, kung kaninuman doon sa mga character.

“Pero kung ipi-pinpoint talaga namin hindi talaga namin alam.

“Kaya talagang nagpapasalamat talaga kami sa mga loyal viewer kasi talagang hindi namin alam. Talagang ang ano lang talaga namin ay salamat.

“Maraming, maraming salamat talaga kasi we keep on extending kasi nga iyon ay dahil sa kanila, dahil iyon sa suporta nila. Kami, like I said, kami ay ginagawa lang namin ‘yung best namin, ginagawa lang talaga namin ‘yung trabaho namin.

“At tsaka siguro kasi nakikita nila ‘yung saya namin, ‘yung joy namin.

“May inner joy kasi kaming nararamdaman tuwing pumupunta kami sa set, eh. Mahirap kung sa mahirap ang trabaho namin, napapagod kami, napupuyat  kami, oo, wala namang madaling trabaho.

“Pero because we have that certain joy inside our hearts, siguro baka nakikita nila. We love what we do and siguro kasi we inspire a lot of people kaya siguro ganito, maganda ‘yung rating namin kaya maraming salamat, dear God, sa ratings na ibinibigay sa amin.

“Of course to GMA thank you for this show kasi kung hindi naman dahil sa kanila, kung hindi naman dahil sa creative team, sa writers, kay direk LA, kay direk April at sa staff, kila Ms. Anne, kila Ms. Joy wala naman kami rito, eh.

“So talagang forever thankful at grateful talaga kami.”

Ang direktor ng Abot Kamay Na Pangarap ay si LA Madridejos, si April Vicencio naman ang 2nd unit director, si Anne Villegas ang acting coach at si Joy Lumboy-Pili naman ang executive producer ng show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …