Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Pangilinan

Taga-Abra desmayado raw kay Michael Pangilinan

REALITY BITES
ni Dominic Rea

NITONG nakaraang buwan ng Marso ay naglipana ang mga fiesta sa buong bansa. Kaya naman masuwerte ang mga celebrity na humakot sa karaketan sa kung saan-saang parte ng ‘Pinas. 

Pero ayon sa isang kuwento, tila desmayado raw ang isang bayan sa Abra? Dahil daw hindi man lang nakisalamuha itong si Michael Pangilinan sa isang bayan doon pagdating at pag-alis niya sa tinanguang event. Kaya pati raw ang kumuha sa kanyang kaibigan ay nadesyama sa inasal ng singer na umano’y lumabas lang ng kanyang van noong number niya at pagkatapos mag-perform ay agad-agad na ring bumalik sa sasakyan.

Wait huh, bakit noong kinuha ko siya sa isang bayan ng Abra ay hindi naman ganyan ang inasal ng dating anak-anakan namin? 

Hindi ko alam ang buong kuwento pero ‘yan ang nakarating sa akin. Feelingerong sikat na sikat na raw si Michael at feeling superstar na raw? 

Wait again, bakit noong sa akin ay hindi naman siya ganyan? Tanong ko lang, feeling niyo ay matatawag na rin kaya nating kahit paano ay star  si Michael Pangilinan? 

Ako, sa totoo lang, oo naman! Pero hindi pa super! Star lang kahit paano dahil may napatunayan naman na siguro siya sa kanyang karera. Pero ‘yung ganoong attitude, huwag nating kunsintihin at mali ‘yun. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …