Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Nora Aunor

Alfred naramdaman ang Nora Aunor Magic; naalala ang inang yumao

EMOSYONAL si Alfred Vargas matapos kunan ang ilang madadramang eksena nila ni Nora Aunor.

Nag-post si Alfred sa kanyang social media account ng mga picture nila ni Nora sa ginagawang pelikulang Pietana ipinrodyus niya at idinirehe ni Adolfo Alix Jr. at doo’y nasabi ng public servant na naalala niya ang kanyang ina kay Ate Guy. 

Ani Alfred, naalala niya ang inang si Susana “Ching” Vargas na pumanaw noong 2014 matapos makipaglaban sa cancer habang kasama si Nora na gumaganap naman niyang ina sa pelikulang Pieta

Ani Alfred sa mga litrato nila ni Ate Guy, “#SENTISABADO muna, guys. Namiss ko tuloy bigla ang nanay ko.

“First time ng ating one-and-only Superstar and National Artist Nora Aunor na gumanap ng isang character na nabubulag at may Alzheimer’s.”

Puring-puri nga ni Alfred ang Superstar sa mga eksena nila. Aniya, “Ibang Ate Guy ang makikita ninyo dito #PIETAmovie kahit na she’s done hundreds of roles na in her illustrious career.

“I play her son, ISAAC, na nakulong ng mahabang taon at naghahanap ngayon ng katotohanan

 “Ibang klaseng artista talaga si Ate Guy. Magical at nakakamangha. Naramdaman ko mismo ang ‘Nora Magic’ tuwing magkaeksena kami.

“She has that unbelievable command of both her heart and art, expressing nuances so effectively that she pulls in her spectators, unaware, to a world of her sincere creativity.

“Naramdaman ko sa mga eksena na parang nanay ko siya talaga!”

Sinabi rin ni Konsi Alfred na napakasuwerte niya at nakatrabaho sina Nora, Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Bembol Roco.

“In these days that I’ve been so blessed to work with her—alongside legends like Direk Gina Alajar, Jaclyn Jose & Bembol Roco—I cannot help but feel that this movie has already made me a better person and artist. It has changed me.

“Kaya’t nag-uumapaw ang excitement ko para sa araw na mapapanood na ninyo sa wakas ang #PIETAmovie!” sabi pa ni Alfred. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …