Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga EB Dabarkads

Kasikatan ng Eat Bulaga wa epek kahit may mga matsutsuging dabarkads

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG hindi nga maiiwasang may mawala rin sa “dabarkads” ngayon ng Eat Bulaga. May sinasabing napagkasunduan nga raw sa isang meeting na magbabawas sila ng dabarkads sa show, at tila mayroon ngang magba-babu.

Ginawa namang maraming hosts ang Eat Bulaga para iyon ay maging ‘self contained, iyong hindi sila umaasa sa pagdating ng mga guest. Pero may sinasabi namang dahil sa dami na nila, ni hindi na sila makapagpapasok ng guests, kahit na artists mismo ng sarili nilang network. Nakaaapekto rin daw iyon sa pagkakaroon ng variety sa show.

Iyon naman daw mga mahihiwalay kung sakali, lahat magiging properly compensated dahil kinikilala naman nila ang mga naitulong ng mga iyon sa show noong panahon nila. Pero sana nga kung may mawawala man sa show, hindi naman masabing nagkaroon din ng palakasan para may maipasok na bago.

Hihintayin na lang natin ang kanilang official announcement tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa show na magsisimula na raw sa susunod na buwan. Pero naniniwala kami na ano mang pagbabago, hindi iyon makaaapekto sa popularidad ng show na 44 na taon na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …