Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edgar Allan Guzman Shaira Diaz

EA Guzman ipinagmalaki Shaira virgin pa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Edgar Allan Guzman na napag-uusapan na nila ni Shaira Diaz ang kanilang future at ang pagkakaroon ng sariling pamilya pero wala pa silang balak na magpakasal dahil prioridad nila  sa ngayon ang kanilang career.

Sa paglulunsad kay EA bilang ambassador ng Beautederm Corporation kasama ang iba pang Sparkle artists na sina Rayver Cruz, Ruru Madrid, Cassy Legaspi, Ysabel Ortega, Thia Tomalla, Patricia Tumulak, Buboy Villar, at Sanya Lopez sinabi ni EA na mas gusto muna nilang mag-focus sa kanilang showbiz career lalo pa’t napakaraming opportunities ang dumarating sa kanila ngayon.

Natanong si EA kung ok lang bang mag-anak muna sila ni Shaira bago kasal, hindi sumang-ayon ang binata.

Aniya, “Ayoko talaga ng ganoon (magka-baby nang hindi kasal). At saka, malalaman n’yo po kung bakit ayoko talaga. Basta, si Shaira po, hanga talaga ako sa kanya.

“Isa ito sa kinahahangaan ko sa kanya. Sige, sasabihin ko na po. Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin)… alam n’yo na!” sabi ni EA.

Kaya ko siya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganoon (virgin). Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save (ang virginity), kaya after marriage. So, para sa akin, wow!

“Totoo po ‘yun, hindi ako nagsisinungaling. Kahit itanong niyo sa kanya. Kaya humanga ako lalo sa kanya. Kaya para sa akin, marriage muna, kasi ‘yun din ang gusto ni Shaira. Nirerespeto ko ang desisyon niyang ‘yon.

“Para sa akin, pareho naman kaming magbe-benefit niyon. Napakaganda naman. Kumbaga, para sa akin, very sacred si Shaira!” pahayag pa ni Edgar.

Naibahagi rin ni EA, kahit noong nililigawan pa lang niya si Shaira ay pinaalalahanan na niya ang dalaga na ang gusto niya ay kasal muna, bago sex.

Yes, nililigawan ko pa lang siya, sinabi na agad niya sa akin ‘yon. Kaya para sa akin, kung tatanungin ako kung siya na ba, oo naman. Minahal ko talaga siya lalo.

“Minahal ko siya hindi lang dahil mayroong mangyayari sa amin. Minahal ko siya dahil sa pagkatao niya,”sambit pa ng magaling na aktor.

Samantala, sobra-sobra ang pasasalamat ni Edgar Allan kay Ms. Rhea Tan dahil isa siya sa limang Sparkle artists na napili bilang mga bagong ambassador ng mga produkto ng Beautederm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …