Friday , November 15 2024
Piolo Pascual Sun Life

Piolo wais sa paghawak ng kinikita, future secured na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY mga pagkakataon mang lugi ang ilan sa mga ipinoprodyus na pelikula si Piolo Pascual, hindi mapipigil ang aktor sa paggawa nito. Katwiran niya,  passion ang paggawa niya at pagpoprodyus ng pelikula. Kaya naman, hangga’t may pagkakataon at kaya pa naman hindi pa rin siya titigil sa paggawa at pagpo-produce ng pelikula bilang tulong din sa entertainment industry dagdag pa na marami silang nabibigyan ng trabaho.

Pag-amin at natatawang sabi ni Piolo sa media conference ng Sun Life para sa bago nilang campaign na Wheel of Life, “mas maraming losses sa production, hindi ko alam kung ba’t ko siya pinasok.

Personally, sa career ko, I’m thankful, I’m grateful that through the years, I never had to consider quitting just because my movie didn’t become a hit,” sabi pa ni Piolo.

Sa totoo lang, isa si Piolo sa mga celebrity na wais din sa paghawak ng kanyang kinikita kaya naman secured na ang kanyang future. Bukod sa investments, napakarami na rin niyang nabiling properties here and abroad.

What I do is whatever I earn, I just put it in the bank primarily and then, from there, I set aside 10% for my tithes and then the rest goes to savings.

“I try as much as possible not to spend as much on things that are just, you know, the material things, or let’s say, mga luho, you know.

“I reward myself with insurance, I reward myself with getting a time deposit, I reward myself with getting a new policy. From time to time I also reward myself with trips, you know, with my family,” anang aktor.

I don’t spend on things na sayang lang. So, I try not to spend my money, and just put it in the bank, invest, get protection from insurances and just let the money work for you.

Hindi ako ‘yung tipo na nag-i-splurge and I always make sure that I’m protected. That’s why I don’t spend beyond my means, I don’t spend on things that are just really unimportant.

“And I guess, it’s a big factor that you don’t change your lifestyle just because you earn more. It’s important for us to know and give importance to our future and of course, not just para sa sarili natin but also our families,”dagdag pang pahayag ni Papa P.

Sinabi rin ni Piolo na hindi rin siya mahilig mangutang, “So even if I have the money, I made sure that I save up first before I get something, so that I know, wala akong babayarang utang.

“Even if there’s nothing’s coming or if I’m not earning anyting, I don’t have to worry about having to pay my loans because hindi ako nangungutang nang hindi ko kayang bayaran,” aniya pa.

Samantala, sa hangaring mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga Filipino na maging aktibo at unahin ang kanilang kalusugan, ibinabalik din ng Sun Life ang Sun Life Cycle PH at ang Wheel of Life Pop-up Fair.

Magaganap ang Sun Life Cycle PH sa April 23 sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite. Bukas ang event anumang edad, fitness, at skill levels. Para sa mga younger participant mayroong Kids’ Bike Camp sa April 16 sa Quirino Grandstand sa Manila. Ang mga makikiisa ay may pagkakataong matuto g mag-bike ng safe, ang etiquette, at skills, at iba pa mula kay Camp Director Coach Julian Valencia.

At para sa Wheels of Life Pop-up Fair 2023, tampok ang iba’t ibang health activities tulad ng free consultations, health risk assessments, nutrition counseling, at mental health check-in hatid ng Philippine Mental Health Association, gayundin ang diabetes testing ng Sun Life’s healthcare partners Dr. Anywhere at Institute for Studies on Diabetes Foundation Inc.

Magkakaroon din sila ng game booths, free massages, wellness corner, at iba pang fun activities onsite sa iba’t ibang lugar tulad ng: March 18 sa Eton Centris, Quezon City; April 1 at Greenfield District, Mandaluyong; April 15 sa Festival Mall, Alabang; April 16 sa Quirino Grandstand, Manila; April 23 sa Vermosa Sports Hub, Cavite; at April 29 sa D’Mall, Boracay.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …