MARAMI ang nagulat nang tumambad sa Facebook page ng anak ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, na si Luis Christian Singson na kasama ang Korean actor at singer na si Lee Seung-gi sa picture at nasa kanilang lalawigan.
Nalaman naming nagtungo nga ang Korean actor at singer na si Lee Seung-gi sa Ilocos Sur.
Ayon sa kuwento ni Jenny Fatima Macatiag, publicist ni Gov. Singson, ipinasundo ng private jet ni Singsong si LSG para dalhin sa Sulvec Greece sa Narvacan at Vigan Ilocos Sur.
Kaya naman suwerte ang mga nasa Vigan, Ilocos Sur noong Huwebes dahil naispatan nilang namamasyal ang aktor sa Calle Crisologo at Baluarte na pag-aari ni Singson. Hindi naman binigo ni LSG ang mga indibidwal na gustong magpakuha sa kanya ng picture.
May picture rin sa Sulvec Greece sina Singson, Luis Christian, at ang K-pop star. Ipinost ito ni Luis Christian at may caption na, “With South Korean Popstar Lee Seung-gi.
Ibinahagi pa ni Christian na nakasama nilang mag-lunch ang aktor.
“Na kasama po namin kumaen si Lee Seung-gi mag lunch, sobra bait at humble nya.”
Kinumpirma rin ni Chavit na nasa Narvacan ang Korean actor.
Magbabalik din si LSG sa ‘Pinas soon dahil may gagawin itong show.
Si Lee Seung-gi ay nakilala sa kanyang mga seryeng A Korean Odyssey, Mouse, The Law Cafe, at My Girlfriend is a Gumiho. (MValdez)