SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAGPAKITA pa ng pag-aalala at hindi galit ang Star Magic head na si Lauren Dyogi sa mga nabitiwang salita ni Liza Soberano sa kanyang vlog kamakailan.
Ani Direk Lauren, “I know her to be… she’s responsible naman. Marami talagang pinagdaanan ang batang ‘yan. Marami rin siyang responsibilidad sa buhay.
“Hindi naman din naging normal din ‘yung… I think she’s open about it, about her life, about her setup, marami siyang responsibilidad.
“But just like most of us, hindi rin naman unique ‘yung experience ni Liza, eh. Kahit naman ako noong bata ako, I had my responsibility. I’m sure all of you, you have your own responsibility. And opportunities that come to us, choice natin ‘yon,” sabi ni Direk Lauren sa contract signing ng P-pop group na HORI7ON sa ABS-CBN at management company na MLD Entertainment noong Biyernes ng gabi.
“Liza is lucky enough to have opportunities presented to her na hindi nape-present sa karamihan na nangangarap na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya, sarili nila.
“And I think because Liza is also still in her first quarter of one hundred years of life so siguro nagka-quarter life questioning siya of maybe…nangyayari naman sa atin ‘yon, eh.
“We allow her to explore and aspire for something better for herself, if that meant moving on to somewhere else, moving on to different territory, let’s just wish her well.
“Because her achievements and accomplishments will also be an accomplishment for us especially for those people who helped her in the beginning like sila Ogie (Diaz), the Star Magic family who helped her.
“They will be very happy if Liza attain something that everybody is aspiring…which is global stardom,” sambit pa ng direktor.
Tiniyak naman ni Direk Lauren na welcome pa rin si Liza sa ABS-CBN sakaling magdesisyon itong magbalik sa dati niyang tahanan.
“ABS-CBN has always been open with Liza. We’d offered her a lot of projects in the past and we’ve been very patient with what the choices she would make and ultimately she decided to do international projects. We wish her well,” sabi pa ni Direk Lauren.
Samantala, certified Kapamilya at MLD artists na ang HORI7ON sa patuloy na pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at management company na MLD Entertainment na magkasamang mamamahala sa magiging karera ng grupo sa Pilipinas at Korea matapos maganap ang contract signing ng dalawang kompanya noong Biyernes (Marso 9).
Naglabas ang grupo ng kanilang pre-debut teaser ng music video na Dash, na komposisyon ng Korean mentor nila sa show na si Bull$eye.
Binubuo ang HORI7ON nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda matapos silang hirangin bilang ‘Dream 7’ ng kauna-unahang idol survival show ng bansa na Dream Maker.
Mas makikilala naman ng viewers ang HORI7ON sa kanilang guestings sa iba’t ibang shows tulad ng I Can See Your Voice at Tropang LOL.
At bago sila lumipad patungong South Korea, inanunsiyo rin ang patuloy nilang pag-iikot sa bansa hanggang Abril. Abangan ang grupo sa Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Koronadal, Gensan, at Zamboanga.
Kasama sa contract signing sina Star Magic and Entertainment Production head Laurenti Dyogi, business unit heads na sina Reily Santiago at Marcus Vinuya, at CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin.
Noong nakaraang taon lamang nagsimula ang journey ng grupo sa kanilang pag-audition sa Dream Maker. Mula sa mahigit 60 na contestants, silang pito ang pinili ng sambayanan matapos makita ang kanilang pinagdaanan at mga improvement sa kanilang mga misyon at challenge sa tulong ng Pinoy at Korean Mentors na sina Angeline Quinto, Darren Espanto, Bailey May, Thunder, Bae Wan Hee, Bull$eye, at Bae Yoon Jung.