Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cesar Montano Cristine Reyes

Eksena nina Cesar at Cristine pinakabongga sa MoM

TIYAK na mas mawiwindang at mas marami ang maloloka sa maraming tagpong masasaksihan sa mga rebelasyon sa pamilya Marcos at kay dating Sen. Ninoy Aquino sa pelikulang Martyr or Murderer na palabas na ngayon sa 250 sinehan at idinirehe ni Darryl Yap.

Talaga namang mapapatanong din kayo sa inyong sarili o sa kasamang manonood ng MoM na handog ng Viva Films kung totoo nga bang nangyari ang mga eksenang iyon. Isa na iyong tungkol kina dating Pangulong Ferdinand Marcos, dating Unang Ginang Imelda Marcos, at dating Sen Ninoy Aquino na may kinalaman sa pag-ibig. Ayaw na naming idetalye dahil mas magandang kayo mismo ang makapanood.

Gayundin ang ilang tagpo simula nang palayasin ang mga Marcos sa Pilipinas tulad ng kung ano ang naging buhay nila sa pinuntahang bansa, at ang pagkawalay ni Sen Imee Marcos sa kanyang pamilya na napunta siya sa Morocco. 

Ang isa pang nakagigimbal ay ang ending na talaga namang kami mismo ay hindi napigilang mapasigaw. Iyon kasi ang magiging simula ng ikatlong bahagi ng Marcos movie ni Darryl.

Pero marami ang naghiyawan at pumalakpak nang bumandera sa screen ang mukha ng award-winning actor na gaganap na present Bongbong Marcos sa part 3 na pinamagatang Mabuhay Aloha Mabuhay. 

Ang tinutukoy namin ay ang hinahangaan din naming aktor na si Aga Muhlach! Siya  ang napili ng Viva Entertainment na mag-portray bilang si Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na pelikula ni Direk Darryl.

Nais din naming batiin ang mga nagsiganap sa MoM na tulad ng nauna, ang Maid in Malacanang, nagpakita pa rin sila ng kagalingan sa acting. Ito ay sina Cesar Montano as Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez as Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang young Bongbong Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos, at Ella Cruz as Irene Marcos.

Pinakabongga ang death scene ni Cesar na talagang nagpaiyak sa mga manonood at talagang pinalakpakan ang bonggang crying scene ni Cristine.

Palabas na sa mga sinehan ang Martyr or Murderer. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …