Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo Ako Si Ninoy Aquino

Ako Si Ninoy matino, karapat-dapat panoorin ng publiko

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO kami, nagulat kami sa acting na ipinakita ni JK Labajo sa Ako Si Ninoy.

Given na ‘yung galing ni JK sa pagkanta, sa pagigigng mang-aawit naman talaga siya nakilala. Pero first time, as in first time namin siyang napanood na umaarte sa big screen, and nakai-impress siya.

Matino niyang naitawid ang papel niya bilang dating Senador Ninoy Aquino, lalong-lalo na ang eksena niya sa kulungan na damang-dama ang hinagpis niya sa nalamang sinapit ng misis niyang si Corazon Aquino nang dalawin siya nito sa piitan.

At hindi madali ‘yung habang umaarte ang isang artista ay kumakanta pa, sa totoo lang.

At noon pa kami naniniwala na ang isang singer, mahusay ding artista, tulad nina Nora Aunor, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Christian Bautista, Mark Bautista at marami pang iba.

Palabas pa rin sa mga sinehan ang Ako Si Ninoy na worth it na panoorin ng publiko dahil matino ang pelikula.

Written and directed by Atty. Vince Tañada, mula ito sa PhilStagers Films at tampok din sina Cassy Legapsi, Nicole Laurel, JM Yusores, Lovely Rivero, Pinky Amador, John Gabriel, Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Joaquin Domagoso at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …