Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla AJ Raval Aljur Abrenica

Kylie sa pagkakadawit ni AJ sa hiwalayan nila ni Aljur — wala po siyang kinalaman

RATED R
ni Rommel Gonzales

NILINIS ni Kylie Padilla ang pangalan ni AJ Raval na inaakusahang dahilan ng hiwalayan nila at dating karelasyong si Aljur Abrenica.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live nito lamang February 26 ay buong tapang na hinarap ng Mga Lihim Ni Urduja actress ang mga bagay-bagay tungkol sa sinasabing love triangle nilang tatlo nina Aljur at AJ.

So, ‘di ba, wala pong halong ka-echosan and sana hindi ako pagalitan ng GMA.

“Hindi po talaga si AJ ‘yung reason and that’s the truth.

“Hindi po talaga siya. Kung mayroon man, hindi po siya. So please, naaawa na rin po ako sa kanya,” ang pasabog na pahayag ni Kylie.

I’m just waiting na may magtanong po talaga niyong alam kong itatanong n’yo.

“And gusto ko na po siyang sagutin ngayon kasi sa totoo lang guys, pagod na pagod na po ako sa kuwentong lumalabas na kabit, ganyan, ganito, ganyan.

“Guys tapos na po ‘yung kuwento and I’m in a new chapter in my life.”

Ayaw na ni Kylie na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa isyu.

Sa totoo lang po talaga. Ayoko na pong nakikita ‘yung pangalan ko na naka… iyon ‘yung tabloids na nababasa ko kasi.

“I’m working so hard to have a good career, na maganda ‘yung trabaho ko. Alam mo ‘yun, tapos iyon lang ‘yung napapansin sa akin.

“Tapos na po, eh. Siyempre, ‘di pa tapos ‘yung pag-aayos ng papeles, pero everything else, tapos na po talaga siya.

“So kung mayroon mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I’m going to talk about this. Happy na po ako.”

Sa ngayon ay sa kanyang showbiz career nakatutok si Kylie lalo pa nga at umeeere na sa GMA ang megaserye nila na kasama 

 sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez at marami pang iba.

Isa sa mga nanood sa Facebook Live ni Kylie ay ang sikat na social media personality na si Senyora na nagtanong 

ng, ‘Masaya ka ba talaga para kay AJ at Aljur. Ayan na tinanong ko na.’

I am really happy po basta kung mahal niyo po ‘yung isang tao, ayaw niyo pong makitang malungkot ‘yung taong ‘yun.

“And after po niyong nangyari sa amin, after noong pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin ‘yun and siya rin.

“So, kung saan po siya masaya and kung sino po ang nagpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy.

“Kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko, eh.

“So, dapat masaya rin ‘yung tatay nila para buo ‘yung mga anak, kasi masaya na rin naman ako, eh.

“Ang ganda ng mga nangyayari sa akin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …