Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darryl Yap

Sa mga artistang ayaw makatrabaho
NATANONG NA BA NINYO KUNG GUSTO RIN KAYONG IDIREHE NI DIREK DARRYL?

HATAWAN
ni Ed de Leon

SABAY-SABAY pa ang mga artista ng mga pelikulang makakalaban ng Martyr or Murderer sa psagsasabing hindi sila magpapadirehe sa pelikula kay direk Darryl Yap. Ewan kung bakit sagad sa langit ang

pagkamuhi nila kay Yap na hindi pa naman nila nakakasama sa pelikula.

Isa pa, natanong na ba naman si Yap kung kukunin sila niyong artista sa kanyang pelikula? Sa nakikita kasi namin, ang kinukuha ni Darryl sa kanyang mga pelikula ay  artistang nakakahakot ng tao sa takilya, o mga baguhan man, iyong may potential talaga. Hindi naman siya kumukuha niyong mga galing na sa flop na mga pelikula eh, kaya bakit naman nila iisiping kukunin sila niyon?

Ang masakit, nagkakalat sila ng paninira at pagkamuhi para lamang mapag-usapan sila at baka mapansin ang kanilang pelikula. Pero sino ba ang manonood ng isang pelikula na sa simula pa lang ang ginagamit sa promo ay paninira at pagkamuhi?

Marami nang paninirang nangyayari sa industriya. Sobra na rin ang kumakalat na pagkamuhi sa lipunan. Hindi pa ba ninyo nababasa iyong Signs of the Times? Iyang inyong pagkamuhi at paninira ang siyang ikinasira ninyo sa mga mamamayan sa loob ng dalawang nagdaang eleksiyon. Hindi pa ba kayo natatauhan?

Ngayon hindi lamang sa politika ninyo ginagamit ang inyong pagkamuhi at paninira, hanggang sa pelikula dala na ninyo iyan. Ano ang gusto ninyong mangyari, mainis pa ang mga tao sa pelikula at tuluyan na iyong bumagsak Ilang pelikula ninyo ang na-pull out na sa mga sinehan? Ilan ang naibenta nang straight to tv dahil tinatanggihan na ng sinehan kasi puro kayo pagkamuhi at paninira.

Baka dahil sa ginagawa ninyo atakihin pa kaya sa puso, huwag naman sana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …