Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo Ako Si Ninoy Aquino

JK Labajo naka-relate kay Ninoy Aquino

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PASADO sa amin ang pagkakaganap ni Jk Labajo bilang si Senador Benigno Aquino sa pelikulang Ako Si Ninoy.

Nakuha ng singer/aktor ang galaw at pananalita ng senador dahil kinarir nito ang pagri-research tungkol sa buhay ng dating senador.

Sinabi ni JK na natakot at na-challenge siyang gampanan ang kanyang karakter sa Ako Si Ninoy dahil bukod sa mahirap, kontrobersiyal at complicated pa ito.

Kaya naman ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng hustisya ang pagganap bilang Ninoy Aquino sa musical drama na Ako Si Ninoy na idinirehe ni Vince Tañada.

Excited si JK na mapanood ng mga Pinoy ang kanilang pelikula dahil aniya napakaraming matututunan sa pelikula tulad ng mga sakripisyo ng mga ordinaryong mamamayan at mga bayaning OFW.

We really put in so much effort and then…grabe, grabe, grabe ‘yung pinasok namin for this film,” ani JK.

And I feel like the people deserve to see this film. Kasi it’s really well thought of. So ayun, I’m really excited honestly.”

Ani JK, bukod sa grabeng research

kinausap din niya ng masinsinang si direk Vince kung gusto ba nitong gayang-gaya niya ang ama ni Kris Aquino.

And then sabi niya I don’t have to act as Ninoy as… actually at all. It’s not really parang, I don’t have to do it a hundred percent depiction of Sir Ninoy.

“Basically in a sense parang… Ninoy is acting as Juan Karlos,” aniya.

Ibinahagi pa ni JK na naka-relate siya kay Ninoy. “Sir Ninoy spent most of his life with many people not believing him, and not many people listening to him. And in some sort of way, I can relate to that.

“Kasi alam mo ‘yun, especially in the showbiz industry, issues come up and all of these different accusations, and then even though you know the truth, sometimes people just don’t wanna believe you.

And grabe ‘yung isinakripisyo niya para sa bayan. As in pinili niyang bumalik ng Pilipinas kaysa mag-live happily ever after with his family sa Boston. So I mean, grabe ‘yung sakripisyong ginawa niya,” lahad pa ng aktor.

Showing na ang Ako Si Ninoy sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …