SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAALIW kami sa post ng isang Tiktoker ukol kay konsehal/aktor Alfred Vargas, ito ay ukol sa kung paano siya nagkaroon ng awakening sa pagkatao niya.
Ayon kay Tiktoker McCartney na nag-post ng isang video gamit ang kanyang account na mccartnetcale sa Tiktok, malaking bahagi ng kanyang awakening ang billboard ni Alfred na nakikita noon sa may Guadalupe, Edsa.
Ang tinutukoy ni MacCartney ay ang Walker billboard na nakasuot ng puting brief si Alfred. Taong 2006 nang gumawa ng coffee table book si Alfred at gumawa ng mapanuksong pictorial para sa men’s undergarment na Walker. Ito marahil ang tinutukoy ng Tiktoker dahil talaga namang makalaglag panty ‘ika nga ng marami ang ginawang pictorial na iyon ni Alfred. Naging sanhi pa nga raw iyon ng ‘kaguluhan’ sa local entertainment scene.
Anyway, sinabi ni McCartney na, “‘Noong bata ako, alam ko nang hindi ako straight. Kasi ‘yung awakening ko, artista. And alam ninyo kung sino? Si Alfred Vargas.
“Si Alfred Vargas na nakita ko ‘yung billboard niya along Guadalupe. Alfred Vargas in underwear.
“Noong dumaan kami roon, parang, ‘oh. Oh s—t. I’m feeling things.Wow!
“And sobrang funny kasi from then on, tumatak na siya sa isip ko, like nai-imagine ko pa, I think white pa ata ‘yung underwear niya noon.
“Basta delicioso. Yum yum yum.”
Hindi naman ikinagalit ni Alfred ang naturang Tiktok na iyon ni McCartney. Bagkus nangiti siya sa tinuran nito.
Ani Alfred, “Pinanood ko ‘yung buong video at napangiti ako at natuwa ako kasi mayroon pala akong ganoong positive effect sa kanya. Happy ako kasi naging bahagi pala ako sa “awakening” journey ng isang tao. In fairness, parang model-looking siya na may pagka-artistahin? So, mataas pala ang standards niya sa looks ah? Pumasa ang WALKER Underwear Billboard ko (more than ten years ago) sa taste niya wow ah! Hahahahaha
“Seriously, I’m happy for “mccartney.” I hope maging inspiration din siya sa iba na still finding courage and support sa identity nila because whoever you are, kahit sino ka pa, you are someone to be loved, someone who can dream and reach your dreams, someone to be respected, and someone who can have the same opportunities in life just like everybody else.”
Sinabi pa ng aktor/politiko na, “Importante itong “awakening” para sa ating lahat because it’s part of loving ourselves. We can only truly love ourselves and others if we truly love who we really are.”
Sa huli nagpasalamat si Alfred kay McCartney at nangakong bibigyan ng kopya ng ginawang coffee table book.
“Thanks for this, Mccartney. Nakakuha ka ba ng WALKER coffee table book ko dati? If not, try ko maghanap and bigay ko sa ‘yo personally signed copy.”
Ang bongga at ang suwerte naman ni McCartney.
Anyway, bagamat nakilala noon si Alfred sa paggawa ng mga sexy film, nag-transform naman ito sa pagiging seryosong actor. Sa edad 25, isa na siya sa kinilala bilang prized leading men ng GMA 7 at nabibigyan ng mga meaty role sa ilang major soap opera tulad ng Muli at Impostora noong mga panahong iyon.
At hanggang ngayon, patuloy na kinikilala si Alfred bilang isang magaling at seryosong aktor. Kung ilang beses na ring kinilala ang galing niya sa pagganap at ang pinakahuli ay ang nang tanghalin siyang Best Actor sa FAMAS sa pelikulang Tagpuan noong 2020.