Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arman Ferrer

Arman Ferrer dapat lang na masundan ang Valentine show

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPUNO ni Arman Ferrer ang BGC Arts Center gabi ng February 14.

At sa rami ng mga concert sa Araw ng mga Puso, hindi kami nagsisi, sa halip ay labis naming ikinatuwa, na pinili namin ang A Second Chance Valentine show ni Arman dahil napakahusay na mang-aawit nito 

 at kapado niya ang kanyang audience.

Hindi lang siya iyong kanta lang ng kanta, nakikipag-connect siya sa mga nanonood sa kanya.

Siyempre pa, dahil Valentine’s Day, halos puro mga kanta tungkol sa pag-ibig ang repertoire ni Arman, at sa napakagandang hagod ng boses ng binata ay tila hinaharana niya ang mga taong nanood sa kanyang performance, including THE National Artist for Film and Broadcast Arts na si Sir Ricky Lee.

Mahuhusay din ang mga nagsilbing guest ni Arman sa kanyang show na sina Jackielou Blanco, Sheila Valderrama-Martinez, Debonair District, Al Fritz Blanche, Jep Go at Floyd Tena, Toma Cayabyab, at si Mitch Valdez.

Aliw ang audience sa banter nina Arman at Jackielou na birong-totoo ni Jackielou, ‘huwag siyang tatawaging ‘Tita’ kundi Jackie na lang, puwede naman siyang maging cougar for that night.’

Mahusay ng pagkanta ni Jackielou ng cover niya ng You Don’t Own Me na original song ni Lesley Gore.

Walwalang kantahan ang number ni Arman and his male guests na pagkahuhusay din.

Bestfriend ni Arman si Sheila at inawit nila ang Beauty And The Beast.

At si Ms. Mitch na para sa amin ay ang Bette Midler ng Pilipinas, ang galing-galing pa rin, certified music icon.  

May clamor for a repeat kahit hindi Valentine at sana mangyari, knowing Arman’s manager na si Noel Ferrer.

At oo, pagkatapos ng kanyang Another Chance, deserve ni Arman ang more and more chances.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …