Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Miles Ocampo

Coco nailang sa ‘pagpapaubaya’ ni Miles

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINALAKPAKAN ang mahusay na pagganap ni Miles Ocampo sa FPJ’s Batang Quiapo ng ABS-CBN sa isinagawang special screening nito kamakailan sa Trinoma Cinema 7. 

Isa sa nagpakita ng husay sa pagganap si Miles sa rape scene nila ni Coco Martin. Dito’y inamin ng mahusay na aktor/direktor na nailang siya habang ginagawa ang maselang eksena dahil bata pa lang ay nakikita at nakakasama na niya si Miles.

Honestly, noong una, siyempre nga, baby ko kasi ‘to, eh, si Miles talagang sa mga pelikula, isa ‘yan sa mga beybi-beybihan ko na kahit hindi kami nagkikita talaga, ‘pag nagkikita kami tapos ‘yung nanay pa niya, kaklase ko pa.

“Nao-awkward ako honestly, feeling mo, ala-alaga mo, tapos rereypin mo na ngayon sa eksena. Parang ang awkward niyong eksena,” ani Coco sa isinagawang media conference matapos ang special screening.

Sa pagbabahagi ni Coco, sinabi nitong kinausap muna niya si Miles bago kinunan ang rape scene.

Tinanong ko siya, sabi ko, ‘Miles, ano mas gusto mo, ‘yung mga ganitong trabaho or ganitong eksena or ‘yung nagpapatawa ka kagaya dati?’ Sabi niya, ‘kuya, gusto ko na ‘yung ganito.’

“Yung maturity. Noong nakita ko sa kanyang ganoon, siyempre inalam ko muna kasi nangingilag pa rin ako dahil siyempre, lalaki pa rin ako, eto babae, para alam ko lang ang limitasyon. Kasi ayoko ‘yung makaka-offend ka, eh or lalagpas ka roon sa limitation.

“Kahit ‘yung mga sabunot ko pa lang, game na game siya. ‘Yung sobrang open siya, sinasalo niya kung ano ‘yung ibinibigay ko,” sabi pa ng aktor.

At hindi maiiwasan sa eksenang iyon na nahubaran si Miles kaya tinanong din ni Coco kung okay lang iyon at umokey naman ang dalaga. 

Napaka-intense nga ng eksenang iyon at talagang maaawa ka kay Miles at isusumpa

mo naman si Coco sa kahayupang ginawa niyon sa aktres.

Napakataas ng pagtingin niya sa trabaho niya. Kasi ‘yun ang tinitingnan niya, eh. Hindi ‘yung parang ‘raket lang ‘to, acting-acting lang ako.’ Siya, noong tinanggap niya ‘yung project, alam niya na ‘open ako kung ano ang ipagagawa sa akin.’ At saka naghahanap na siya ng ano, eh, maturity doon sa trabaho niya,” sabi pa ni Coco.

Pinasalamatan naman ni Miles si Coco. Anito, “Nandoon na tayo sa stage ng life natin na you just wanna grow and explore. So, maraming salamat po.”

Kasama rin sa FPJs’ Batang Quiapo” sina Lovi Poe, John Estrada, Christopher de Leon, Charo Santos-Concio, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon.

Ito’y mula sa direksiyon ni Coco kasama si Malu Sevilla. Napapanood na ang Batang Quiapo na nagsimula kahapon ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …