Tuesday , December 31 2024
fire dead

Mag-ina patay sa ‘misteryosong’ sunog sa QC

PATAY ang mag-ina na tila nakulong sa nasusunog nilang kuwarto, sa insidente ng hinihinalang arson sa Quezon City kahapon.

Tumanggi muna ang Bureau of Fire Protection (BFP) na pangalanan ang mga biktima, ang ina ay inilarawang nasa 40-anyos ang edad, habang 17 hanggang 18-anyos ang kanyang anak na babae, dahil wala pa umanong clearance ang pamilya.

Batay sa ulat ng BFP, pasado 2:00 pm nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 13-2 Avelino Alley, sa Lt. J. Francisco St., Brgy, Krus Na Ligas, Quezon City.

Ang bahay ay pagma-may-ari ni Pepito Mente ngunit inookupa umano ng isang Judy Aquilino at Alexis Aquilino.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong 2:58 ng madaling araw.

Nagulat ang mga nagresponde dahil tumambad sa kanila ang wala nang buhay na mag-ina sa loob ng isang kuwarto. Nabatid na anim na buwan pa lamang nangungupahan ang mga biktima.

Inaalam ng BFP ang sanhi ng apoy, ngunit kabilang sa iniimbestigahan nila ang posibleng arson o sinadyang sunog.

“Kakaiba po ang sunog na ito, iisang kuwarto po (siya) at merong commotion… nandoon ‘yung bata, sinasabing nagsisigaw ng tulong at hindi mabuksan kasi naka-lock po nga. At later on, siguro mga ilang minuto, nando’n na nga, bigla na lang nagkaroon ng apoy at nagkaroon ng sunog doon,” ayon kay Fire Sr. Supt. Aristotle Bañaga.

Tinataya ng mga awtoridad na halos ‘P24,000 lang’ ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog at tanging ang silid lamang ng mga biktima ang naapektohan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …