Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtatapos ng Muling Buksan Ang Puso, kinukuwestiyon

INUULAN kami ng tanong ng mga kakilala namin sa ibang bansa na TFC subscribers kung bakit magtatapos na ang Muling Buksan Ang Puso nina Enchong Dee, Julia Montes, at Enrique Gil at kung may problema raw ba?

Ipinaliwanag naming sadyang isang season lang ang nasabing serye at binanggit na ito kaagad sa umpisa pa lang ng MBAP at makailang beses na rin namin itong Isinulat dahil baka isipin kasi na iniklian lang.

Ito na ang trend ngayon sa Dreamscape Entertainment na lahat ng teleseryeng gagawin nila ay pang isang season o 13 weeks lang.

“Kung kailan naman mainit na ‘yung istorya nina Enchong, Julia, at Enrique at saka naman matatapos,” sabi ng kaklase namin noong hayskul.

Samantala, nabanggit din na wala pa ring kupas si Christopher de Leon in terms of acting at dapat daw siyang tularan ng mga batang aktor ngayon na matagal na sa industriya dahil karamihan sa magagaling na aktor ay nalululong sa masamang bisyo, hmm, hindi naman po lahat.

Anyway, si Christopher bilang si Anton ang tunay na ama ni Enchong bilang si Leonel.

At kaya pinlano niyang gumanti kay Susan Roces bilang si Adelina dahil sa pang-aapi kina Enchong at sa magulang niya.

Darna, isasapelikula ng Star Cinema

HINDI pala siguradong si Yam Concepcion  ang gaganap na Darna  sa telebisyon na planong gawin sa 2014.

Ayon mismo sa taga-ABS-CBN ay hindi totoo ang kumakalat na balita sa internet na sina Yam at Kristine Hermosa ang pinagpipiliang gaganap na Darna.

“Ang gusto ng management ay fresh as in bagong mukha para sa role ng Darna, kaya hindi totoo ‘yang lumabas na sina Yam at Kristine, well siguro in passing nabanggit sila sa meeting pero walang sigurado roon as in,” katwiran sa amin ng taga-ABS-CBN.

Inamin din sa amin na gagawing pelikula ang Darna, ”ang alam ko oo, pero matagal pa kasi hindi naman puwedeng pagsabayin ang TV at pelikula. Hindi ko lang alam kailan kasi marami pang naka-line up sa Star Cinema.”

Hmm, bakit ba masyadong palaisipan kung sino ang susunod na Darna, ateng Maricris? Big deal ba ‘yun? Bakit ‘yung ibang programang ni-remake ng Dos, hindi naman masyadong pinag-uusapan kung sino ang gaganap?

Tulad ng Maria Mercedes ni Thalia na bubuhayin ni Jessy Mendiola, hindi naman siya masyadong big deal, ‘di ba? Same thing with Andi Eigenmann na gaganap bilang anak ni Zuma?

Actually, kay Zuma curious ang mga katoto kung sino siya kasi nga naman hindi siya kilala at hindi rin dumating sa grand presscon.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …