Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kath at Mau, patok sa Casino Filipino

ARIBA sa taong ito ang 2008 Junior Grand Champion of the World and Junior Vocalist of the World na si Kath Loria sa kanyang singing career dahil pagkatapos mag-guest sa aming birthday concert—Now’s The Moment tampok si Tyrone Oneza sa Cowboy Grill, katatapos lang nito mag-perform sa Casino Filipino Hyatt-Manila noong September 4. Sa September 27 naman, hahataw muli siya sa Casino Filipino Tagaytay.

Kasama ni Kath ang 1st Philippine Idol na si Mau Marcelo sa dalawang show nito sa Casino Filipino at noong show nila sa CF Hyatt entitled Red Letter September, talagang nagtayuan lahat ng mga manlalaro para lamang pakinggang ang powerful voice ng dalawa.  Kasama rin dito ang Extreme Force Dancers at ang nakatutuwa, sumisigaw ang mga tao ng ‘more, more!’ Ang tanong ngayon, muli kayang hihiling ang mga maglalaro sa CF Tagaytay ng ‘more, more!?’

Well, abangan!

Hindi talaga magpapa-awat ang 2008 Junior WCOPA Grand Champion dahil kasali siya sa show entitled Tanging Show Ninyo! sa Singapore sa October 6.  Siyempre, given na show ito ni si Ms Ai-Ai delas Alas, ang bongga-to-the-max na palabas na punompuno ng kasiyahan at katatawanan dahil kasama rin sa show sina Kim Idol at Le Chazz.

Gaganapin ito sa Kallang Theater at ayon sa taga-Marketing Mix Cottage PTE LTD., ang producer ng show, this is the best comedy show that will rock Singapore.

The gate will open at 11:00 a.m. ng Linggo and the show will start from 1:00-6:00 p.m. pero bago ang concert proper, magkakaron ng pagkakataon ang mga manonood na magpapirma at magpa-autograph sa mga celebrity na kasali sa show sa Cj’s Bar-RWS.

Kasama rin sa show sina Tyrone Oneza, Hazel Crudo, Render Cube Band, PGT & FDC Dancers and this is hosted by Jigs Anthony S. Zapanta.  For more details, please dial 92201327 and tickets are available at Hello Lucky Plaza, Singapore.

(ALEX DATU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …