Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

DONGYAN binulabog ang Angeles; Beautéderm Corporate Headquarters pinasinayaan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang kahabaan ng Angeles City nang bumulaga sa pasinaya ng BeautedermCorporate Headquarters ang mag-asawand Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Idagdag pa na talagang game na game sa pagkaway ang DongYan sa mga dumaraan na sumisigaw ng kanilang pangalan.

Sa humigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyon-milyong mga loyal consumer nito bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga ‘di mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing nang daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care; vitamins at health boosters; home fragrances; mga patented merchandise; at marami pang iba.

Ang business model ng kompanya ay nilikha ng founder nito, ang President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan, para mabigyan ang mga consumer ng mga life-changing products na siyang tutulong sa kanila upang makuha ang lakas ng loob para ma-maximize ang kanilang full potential bilang mga indibidwal habang binibigyan naman nito ang resellers, distributors, at franchisees ng pangmatagalang kabuhayan na magbibigay sa kanila ng financial independence na mamuhay ng masagana kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Anicoche-Tan, ang buong team ng Beautéderm ay masusing nagplano ng disenyo at pagpapatayo ng Beautéderm Corporate Headquarters sa layuning maging base of operations ng kompanya at maging isangg premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.

Sa building matatagpuan ang corporate operations ng kompanya gayundin ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; ang BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; ang AK Studios– na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoot at video productions; at ang Beauté Beanery– na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

Beautéderm Corporate Headquarters is truly a dream come true,” ani Anicoche-Tan. “Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – marami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees. Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.”

Present sa espesyal na okasyong ito, na mayroon ding Dragon Dance ceremony, ang ilan din sa mga brand ambassador ng Beautéderm gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine Garcia, Bulacan Vice Governor Alex Castro, Quezon City District 3 Councilor Wency Lagumbay, Buboy Villar, Ning Cordero, Reina Manuel, IC Calaguas, Dr. Minnie Yao, JC Santos, Shyleena Herrera, at power couple na sina Dingdong at Marian.

Sa lahat ng ating pinagdaanan sa nakalipas na halos tatlong taon, it is my fervent prayer for all of us to pick-up where we left off in 2020 as we all rise up together hand-in-hand for a bright future that I know awaits all of us,” sambit pa ni Anicoche-Tan. “May we all be blessed with good fortune and may we all continue to strive and thrive in making all of our beautéful dreams come true.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …