Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang AJ Raval

Angeli Khang at AJ Raval reyna pa rin ng Vivamax

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HAWAK pa rin ni Angeli Khang ang pagiging reyna ng Vivamax dahil ang mga pelikula niya ang most viewed movies sa Vivamax.

Ito ang pasabog na balita ni Boss Vincent del Rosario ng Viva Films sa isinagawang paglulunsad ng Viva Prime.

At dahil most viewed movies ang mga pelikula ni Angeli sa Vivamax binansagan siyang Vivamax Queen.

Kasama sa pagiging reyna ng Vivamax si AJ Raval.

Hindi na kami nagtaka na hanggang ngayon ay most viewed at reyna pa rin si Angeli ng Vivamax dahil sa Cebu nang isa sa special guest ang sexy actress para sa Panagbenga, talagang siya ang hinintay at pinagkaguluhan ng mga taga-Cebu.

At kahit dito sa Metro Manila, kapag may show o event si Angeli hindi puwedeng walang bodyguard o kasama ito dahil talaga namang pinuputakti ng madlang people.

Samantala sa January 29, 2023 available na ang coolest, edgiest, at newest streaming platform sa bansa na available for streaming Worldwide! Buong Pilipinas, ito ang streaming na para sa lahat! Dito, ikaw ang BIDA, ito ang USO! I-experience ang VIP treatment sa tuwing mag-i-stream, ng mga magagandang pelikula, serye, gameshow, concert at iba pa.

Eksaktong dalawang taon nang ilunsad ang Vivamax, isa na namang steaming platform ang babandera, ang VivaPrime. Isang streaming site na puwedeng manood ng may ads o wala.

Pero paano ba talaga nagsimula ang tagumpay ng streaming service nating mga Ka- Viva? Naganap ito noong pandemic na direktang naapektuhan ang industriya dahil wala ngang nagpo-prodyus ng pelikula maliban lamang kay Boss Vic del Rosario. Kahit mahirap sumige pa rin ang Viva’s big boss para makapaghatir ng premium entertainment sa publiko.

At sa likos ng mga naglalakihang streaming giants na nagdo-dominate sa market,  foreign at local, na sa loob ng dalawang taon, naka-penetrate o nakilala na ang adult entertainment platform from all over the globe. Sa ngayon, ang Vivamax ay mayroon ng 6 million registered subscribers worldwide.

Ito rin ang naglunsad sa career kina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola, Christine Bermas, Janelle Tee, Azi Acosta, Angela Morena, Ava Mendez, at Frankie Russel at iba pa. Consistent ang Viva sa pagpapalabas ng isang movie every week at 1 solid series.

At kasabay ng paglaki ng kanilang subscribers, nakapag-produce sila ng 70 new titles. At ang Pinoy’s finest general entertainment ay available na sa VivaPrime! Mapa-North, East, South and West! Nasaan ka man o saan ka man magtungo, kasama mo ang Viva Prime. Dahil ang VivaPrime ay all over the country na at all over the world, at nasa 82 territories at 6 million subscribers at nadadagdagan pa.

Kaya maging Ka-Viva na. Ang Best Filipino Content through the years at bahay ng exciting, edgy VivaPrime originals, movies at series na available Everyday Primetime sa VivaPrime sa halagang P49! O i-enjoy ng ads free for just P99 a month!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …