Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB
MTRCB

MTRCB pinaalalahanan mga network sa Closed Caption Law 

ISANG Memorandum ang inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong 10 Enero 2023, na maigting na pinaalalahanan ang bawat television network na sumunod sa Republic Act No. 10905 (RA 10905) o ang batas na kilala bilang Closed Caption Law gayundin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) (MTRCB Memorandum Circular No. 04-2016) nito.

Alinsunod sa RA 10905, ang lahat ng mga franchise holder kabilang ang mga television station operator at mga producer ng television programs ay kailangang magpalabas ng mga programa na may closed captions option. 

Ayon sa Section 2, Rule V ng IRR, ang lahat ng mga non-exempt program ay mayroong dapat na closed captioning service. Wala na ring bisa ang lahat ng mga dati na-exempt, maliban sa mga nabigyan ng exemption ayon sa Section 2, Rule II ng IRR.

Ang nasabing batas ay bahagi ng commitment ng bansa na mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga kababayan nating deaf at hard-of-hearing upang maging parte at lumahok sa nation- building. Ito rin ay naaayon sa Convention on the Rights of Persons with Disabilities, na pinagtibay ng Pilipinas nong 2008. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …