Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
R Bonney Gabriel miss universe

Pinoy panalo pa rin sa Miss Universe

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI kami magpapaka-plastic ano man ang sabihin ninyo.

Inaamin naming tuwang-tuwa kami nang manalong Miss Universe si Miss USA R Bonney Gabriel.  Aba eh noong manalo iyang Miss USA, pinag-uusapan na siya ang kauna-unahang Filipino American na kakatawan sa US sa Miss Universe at ipinagmamalaki niya na ang tatay niya ayFilipino.

Siya pa ang nagkuwento na ang tatay niyang si Ramon Bonifacio Gabriel ay lehitimong taga–Maynila, nakakuha lang ng scholarship sa US at dumating doon na walang laman ang bulsa kundi 20 dollars. Nang makita namin ang tatay ni R Bonney, aba eh typical Pinoy talaga siya.

Pagkatapos na manalo sa Miss Universe, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si R Bonney sa mga Filipino na sumuporta sa kanya sa kabuuan ng pageant. Naririnig naman kasi niya ang mga Pinoy na isinisigaw ang pangalan niya sa kabuuan ng pageant. Ganoon din ang sigawang “Mabuhay USA. Mabuhay Philippines” nang manalo siya.

At noong binati nga ang mga Filipino, nagsalita siya sa wikang Filipino, kasabay ng papuri sa lahing Filipino na sinabi niyang masipag, matiyaga, at determinado sa buhay, kaya ikinararangal niya na siya ay may dugong Pinoy.

Bilang isang Filipino, hindi ba dapat ikinararangal natin iyan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …