Tuesday , December 24 2024
Rizal Police PNP

Pamilya ng 438 Rizal PNP promotees pinasalamatan

PINASALAMATAN ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay ang mga dumalong pamilya ng mga na-promote na pulils bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga asawa, anak, at kapatid.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng opisyal na ang pagtaas ng ranggo ay kaakibat ang responsabilidad sa bayan at sakripisyo sa serbisyo.

Nauna rito pinangunahan ni Baccay ang Simultaneous Oath-Taking at Donning at Pinning of Ranks katuwang ang Command Group sa mga na-promote na personnel sa Rizal PNP Command.

Sa kabuuan, tumaas ang ranggo ng 438 Rizal PNP personnel, 387 dito ay mga police non-commissioned officers at 51 police commissioned officers.

Isinagawa ang programa sa Regional Headquarters sa PRO4-A na pinangunahan ni PRO4-A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr.

Natapos ang aktibidad sa pagpirma ng kanilang Oath of Office sa bagong ranggo na agad ipinasa sa Provincial Administrative Records and Management Unit. (EDWIN MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …